Chapter 9 - Betrayal

658 26 0
                                    

CHAPTER 9

BETRAYAL


Tiffany's POV


I thought I'll spent most of my two-weeks-stay alone but thankfully, my cousin Jarvis decided to visit Elysian a day after I arrived. Dumating siya biglaan kasama ang banda niyang J-Fallen at ang girlfriend niyang si Blake. Nagkataon na sumakto ang pagbisita nila rito sa paguwi ko upang makalayo sa mga problema ko.


"Pupunta kami sa Matunya Falls, sama ka?" tanong ni Kuya Jarvis habang nagaalmusal kami.

Close kaming dalawa dahil siya lang ang nagiisang pinsan ko. His mom and my mom are sisters. Kaso simula nung naging lead singer siya at naging sikat sila sa buong mundo ay hindi na kami gaanong nakakapagkita. Mabuti nga at kakatapos lang ng world tour nila kaya siguro napagdesisyunan nila ng mga ka-banda niya na magpunta rito upang makapagpahinga.


"Sure!" masayang sambit ko. "Anong sasakyan natin papunta roon?"

"We can use my Ford Bronco again," ani ni Liam, ang lead guitarist.

"You guys go ahead. I'll use Armonia." Hindi ko pa nagagawang sakyan ang kabayo ko simula nang makarating ako rito. Paano ba naman kasi, palaging kotse ni Kuya o ni Liam ang ginagamit namin.

"Samahan na kita, miss ko na rin si Chief." That's the name of Kuya's horse.


"Malamig ba ang tubig doon, pre?" tanong ni Tyler bago ipinaikot sa mga daliri ang drum stick na hawak. He always does that, parang hobby na.

"Kapag ganitong kaaga, medyo malamig pa. Pero kaya naman tsaka maganda doon. Mage-enjoy tayo panigurado." Kuya Jarvis smiled. Now I'm more excited. Mabuti na lang at marami raming mga damit ang binaon ko and I even brought swimsuits with me.


Biglang tumunog ang phone ni Blake kaya tumayo siya. "Excuse me."

The boys immediately laughed after she left. Nagtaas tuloy ako ng kilay.

"Must be her brother Bash again," nangaasar na sambit ni Rylan, ang bass guitarist nila.

"Shut up," pagtawa ni Kuya Jarvis.

"Why? Does he not like you?" pagsisiyasat ko na siyang naging dahilan kung bakit humalakhak na naman ang mga kabanda niya.

"Tropa ko nung college 'yon kaya na-witness niya lahat ng kalokohan ko. He's just worried because this is Blake's first out of town trip without him. Gusto pa ngang sumama rito."

Uminom na lang ako ng kape at napailing. Yeah, I heard about how crazy he is before. Playboy ang isang ito noon pero mukha namang nagtino na.


Pagkagising ni Lola ay nagpahanda siya sa mga katulong ng babaunin naming pagkain. Nakabihis na ako. Nagsuot ako ng white two-piece sa ilalim ng brown shorts at white off shoulder top.

"Sundan niyo na lang kami ni Tiffany," habilin ni Kuya kay Liam.


Nauna na ako sa kuwadro at pinuntahan na si Armonia. "Good morning!" bati ko sa kabayo ko. I touched its face and waited for my cousin but it seems like he got busy talking to his friends.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon