Chapter 27 - Burnt

477 23 7
                                    

CHAPTER 27

BURNT


Tiffany's POV


"Tapos haluin mo lang iha hanggang sa maging malapot," turo ni Manang sa akin. "Tikman tikman mo na rin. Kapag kulang pa sa tamis, pwede mong dagdagan ng asukal o tsokolate."

I nod my head and carefully stirred the pot. "Sige po, tawagin ko na lang po kayo kapag may tanong pa ako. Salamat."


"Wow, himala! Nagluluto ka. Anong meron?"

Nilingon ko si Awi at nginitian. "Monthsary gift ko for Gael."

Her smile instantly faded as she walks toward me. Sinilip niya iyon. "Bakit champorado?"

"Wala lang. Ayoko namang pancit ulit tsaka hindi naman siya mahilig sa spaghetti."


She exhaled and took a sit at the counter bar. Tumigil naman muna ako sa paghahalo upang harapin siya.

"I know you're still mad at him but can you please try to give him a chance? Ang tagal na naming hindi nagaaway, Awi."

"That's only because he's always out of the picture lately."

Totoong hindi na kami madalas nagkikita ni Gael. Halos hindi na nga niya ako masundo sa trabaho dahil palagi siyang wala. Pero sa umaga naman ay nagagawa niya akong ihatid sa office.


"Give him the benefit of the doubt. Hindi naman na niya ako sinaktan ulit ha."

Ngumuso ako at tumalikod upang tingnan ulit ang champorado. Medyo kumukulo na ito, ibig sabihin malapit ng maluto ang malagkit na kanin. Nilakasan ko na ang apoy dahil naiinip ako.


"But he's always irritated with you. Tingin mo ba hindi ko nakikita na sa tuwing bumababa ako ng kotse sa umaga pagkarating natin sa opisina ay palagi kayong nagtatalo? Don't even try to deny it. Hindi naman tinted ang bintana ng kotse mo kaya kitang kita kapag nagaaway kayo. Tsaka bad mood ka kaya palagi kahit kakasimula pa lang ng araw mo. Halatang dahil LQ kasi kayo ng jowa mo."


Nitong mga nakaraang araw, kung ano ano na lang ang pinagaawayan namin ni Gael. Kapag may nakakalimutan akong schedule ko na hindi ko nabanggit sa kanya ay sumasama ang loob niya. He hates it. He wants to know where I am and what I'm doing all the time.

Kapag naman medyo maikli ang paldang suot ko o 'di kaya ay kapag nakikita ng kaunti ang dibdib ko dahil sa suot kong damit ay umiinit na ang ulo niya.

Pati ang pagpunta namin ni Law sa factory nung Wednesday ay minasama niya kahit na kasama ko naman ang ilan sa mga tauhan namin.

Pakiramdam ko ay palagi akong nagkakamali...


"Every relationship has their own ups and downs. Hindi naman pwedeng palaging masaya lang," I mumbled.

"Hay nako, Tiff. Sige lang, magdahilan ka pa. But I'm telling you, ang unhealthy na masyado ng relasyon niyo ni Gael. He's toxic and I don't like him for you." Tumayo siya at iniwan na ako upang manuod ng TV kasama si Abuela.


I sighed and did not mind her. May kanya kanyang opinyon ang mga tao sa lahat ng bagay. Maybe for her, Gael's a bad guy. But for me, he's not. Naiintindihan ko kung bakit ganoon si Gael. And I hope this gift would make him realize that I'm doing my best for us. I'm trying to be a better person for him.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now