Chapter 29 - Aftermath

584 25 9
                                    

CHAPTER 29

AFTERMATH


Tiffany's POV


As soon as we arrived at Hacienda Yllana, I quickly took off my seatbelt. Bababa na sana ako nang i-lock ni Gael ang mga pintuan ng kotse. Nanigas ako sa kinauupuan ko at dahan-dahang sumulyap sa kanya. Nakadungaw siya sa harapan na tila tinitingnan kung may tao ba sa loob. All the lights are off except for the one on the front porch. Iyon lang ang alam kong iniwang bukas ng mga katulong namin.


"Yvonne, pwede ba tayong magusap?" Kalmado na siya, malayo sa lalakeng nanakit sa akin kanina. I almost got confused thinking I'm with a different man at the moment.

Lumunok ako at tumango kahit labag iyon sa loob ko. I know I should be mad at him right now but I'm too terrified to act or say anything that would enrage him once more. Gusto ko na lang matapos ang gabing ito at makapasok sa bahay ko.


"Hindi ko maintindihan kung anong nangyari..." panimula niya. Pinipilit kong 'wag na umiyak dahil tumahan na ako pero namuo na naman ang luha sa mga mata ko. I didn't speak because I might lose my sanity if I do.


Napailing siya at biglang hinampas ang steering wheel. I flinched but I still kept my mouth shut.

"Mahal kita e. Mahal na mahal kita pero bakit mo 'ko nagawang ipagpalit?" He started crying which shocked me the most. Sa lahat ng nangyari ngayong gabi, hindi ko talaga inaasahan ang pagiyak niya sa harapan ko. "Nangako ka! Umasa akong hindi ka titingin sa iba! Paano mo 'ko nagawang lokohin?"


I looked away and just hugged myself.

Nagloko nga ba talaga ako? May hindi naman lumapat ang labi ni Law sa akin. But...we almost kissed each other. Cheating na ba ang tawag doon kahit hindi naman natuloy? Because I had intentions to do it despite being in a relationship with Gael?

Maybe I cheated...emotionally. Hindi ko na alam. Wala na akong maisip ngayon. Right now, my entire body hurts so badly that I simply want to get out of this car.


"Can I please go inside now? I'm tired, Gael." Nilakasan ko na ang loob ko, nagbabakasakaling pagbigyan niya ako. I'm in front of my house, yet the man I'm dating still holds me captive.

"Yvonne..." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero inilayo ko iyon sa kanya. May hindi ko siya matingnan sa mga mata.


I saw from my peripheral vision how he looked down and closed his eyes. Then he sighed when I continued my silence. Binuksan niya na ang pintuan ng kotse kaya nagmadali akong bumaba. Halos tumakbo ako papunta sa mansion at natatarantang kinuha ang susi mula sa bag ko.

When I heard him get out of the truck, I rushed inside and locked myself in. Tapos ay tumakbo agad ako papunta sa taas, sa kwarto ko. Hinarangan ko pa ng upuan ang bedroom door ko bago ako nagpunta sa may bintana at sinarado pati iyon.


I waited for Gael to barge inside my room and hit me again, but thankfully, nothing happened. I stayed in the middle of the room, staring at the door when I heard the pick-up truck leave.

Napaupo ako sa sahig at nanlumo. My cries were loud as I was overcome by emotion. I have never been this scared my whole life. It's like I was running away from my own killer.

Humagulgol ako doon hanggang sa may mga luha pa akong kailangang ilabas.


Awi's POV


"YAYYY!" Tawa ako ng tawa nang matapos ang pang-sampung kanta na sinabayan ko sa pagsayaw. I'm definitely exhausted now but I couldn't stop smiling. Sobrang saya ng gabing ito!


Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ