Chapter 26 - Truffle Cake

465 25 10
                                    

CHAPTER 26

TRUFFLE CAKE


Tiffany's POV


"Are you sure this isn't a date?" pangaasar ni Awi habang tinitingnan ang mga shopping bag na dala ko. I didn't know what to wear for the event so I took the liberty of buying a few new arrival outfits and shoes.

I admit I miss living like this. I miss going out to the mall and just grabbing whatever I want without the need of looking at the price tag. I had to keep this a secret to Gael though. I know he'd disapprove of my spending capabilities.


"Hindi nga sabi, Awi. Tigilan mo." I glared at her jokingly. "You know Law invited you too and I bought you some dresses. Mamili ka na lang."

She laughed and took a sit beside me. Sumeryoso ang mukha niya kaya naman nagtaka ako. "Napano pala 'yan?"


I followed her gaze and was shocked to see my wrist showing up from my sleeve. Agad kong inayos ang damit ko at sumulyap sa mapagmatyag na mga mata niya.

"It's nothing."

Kinabahan ako nang hindi siya umimik kaagad. "Are you sure? That looks like a bruise to me."

I gave up and sighed. Matalino siya at kung gagawa pa ako ng idadahilan ko ay mas lalo lang akong mahihirapan. "Hindi sinasadya ni Gael."


"Oh my gosh, Tiffany! I knew it! Sinasabi ko na nga ba, may problema!" She stood up and walked back and forth my room. "Why'd he hurt you?! Dahil ba 'yan sa paglabas niyo ni Law? Ay nako, galit na galit ako ngayon! Gusto ko siyang sugurin!"

This is the reason why I didn't want to inform her. She's overreacting.


"Awi, baka marinig ka ni Abuela. Hinaan mo naman ang boses mo," I begged. "Nagkausap na kami ni Gael at humingi na siya ng tawad. Nadala lang siya ng emosyon niya."

"Kahit anong sabihin niya, hindi sapat na dahilan 'yon para saktan ka niya!"

"Inako naman niya ang mali niya. Besides, he won't do it again."

She groaned loudly. "Nakaka-frustrate na pinagtatanggol mo pa siya!"

"I am fine. I promise. Just let this one go, for me, please? Ayos na kami. Ayokong magkagulo pa."

Sumimangot siya at tinitigan ako maigi. "Nagkakagulo lang naman dahil sa kanya. Tiff, you shouldn't be tolerating his behavior."

"I'm not." Huminga ako ng malalim. "Wala na 'yon. It's all in the past."

"Dapat lang! Dahil sa oras na saktan ka niya ulit, isusumbong ko na siya sa Lola at Papa mo! I can't believe he'd do that! What a jerk!"

Ngumiti na lang ako at binago na ang usapan upang hindi siya mag-focus sa amin ng boyfriend ko. Thankfully, she let go of it and helped me picked my outfit for the dinner.


Nagbago ang pakitungo ni Awi kay Gael dahil na rin sa nalaman niya. When she saw him, she completely avoided him. Naramdaman tuloy ng kasintahan ko ang pagbabago ng kaibigan ko sa kanya.

"Yvonne, may nagawa ba ako kay Awi? Bakit pakiramdam ko ay galit siya sa akin?" tanong ni Gael pagbaba nito ng kotse.

I bit my tongue as I meet his gaze. Gusto kong magsinungaling ulit pero na-trauma na ako sa nangyari nung huling ginawa ko iyon.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now