Chapter 17 - Plans

525 21 0
                                    

CHAPTER 17

PLANS


Law's POV


I stared at Tiffany's picture as I waited for my client today. She may have ended our relationship a long time ago but I still couldn't get myself to change the homescreen and lockscreen of my phone. Siya ang pinaghuhugutan ko ng lakas sa mga gabi na pagod na pagod na ako sa trabaho at sa mga araw na umaayaw na ako.

Seeing her smile makes me want to work harder. Hindi pwedeng sumuko dahil marami pa akong plano. Kailangang matapos ko ang lahat upang may mukha akong ihaharap sa kanya kapag nagkita na ulit kami.


"They're almost here," Rian informed me. Na-traffic daw ang client namin kaya late.

Tumango na lang ako at ibinalik na ulit ang mga mata sa cellphone ko.

I wonder what she's doing right now... Ano na kaya ang nakalagay sa cellphone niya? Is it still our picture? Imposible. Malamang binago niya na. Maybe it's a selfie?


While thinking about it, that's when I realized I still don't know a lot about Tiffany. Nagsama man kami sa iisang bahay, palagi naman akong busy noon. I regret those days where I didn't give her so much of time. Siguro kasi hindi naman pumasok sa isip kong maghihiwalay kami. Akala ko pagka-graduate ko ay naririyan pa rin siya sa tabi.

Nakakalungkot na hindi ko man lang nalaman lahat ng interes niya...


"Puntahan mo na kasi," bulong ni Rian at nang magangat ang tingin ko sa kanya ay nahuli ko siyang nakangisi. I just rolled my eyes and read the files in front of me.

Ilang linggo kong siniguradong walang magiging problema kaya madali na lang sa akin ang mapapagusapan mamaya. Kung tutuusin, formality na nga lang ang meeting na ito.


"Nagyayaya si Zin sa bahay nila," kwento ni Rian pagkatapos ng ilang mga minuto. I looked at my phone and saw Zin's text message.

"I'll try. Imi-meet ko pa si Nigel after this."

"Oo nga pala. Do you want me to come with you?" Nigel's broadcasting and telecommunication company, which he inherited from his parents, has been really booming lately. I also need him for my plan.

"No, it will be a short meeting. Hindi na kailangan ang presence mo doon."

"Great. Just so you know, before you leave Serenaville, I'll be resigning."

Natahimik ako saglit. I will surely miss her help here but I'm happy about her new journey. "Remind me so I can throw you a despedida party." Ngumiti siya at tumango.


Kumatok ang secretary ko at inanunsyong naririyan na ang client namin. Agad kaming tumayo at inayos ko na ang suit ko. I suddenly felt nervous as I heard the footsteps from outside the room.

Kumalabog ang puso ko habang hinihintay ang pagdating ng taong pinakahinihintay ko. Nang makapasok sila sa kwarto ay agad akong lumapit at inilahad ang kamay ko.

"Mr. Smyth, it's an honor to finally meet you."


I've dated Tiffany for months but this is the first time I've met her father. Matangkad siya at malaking tao. Tiff definitely got his eyes.

Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now