Chapter 46 - Serenaville

458 26 8
                                    

CHAPTER 46

SERENAVILLE


Tiffany's POV


"Kayo na muna pong bahala dito sa Hacienda ha. We'll be back after a few weeks." Nakangiti akong nagmano kay Manang Pasing bago lumabas ng mansion.

Palapit na sana ako sa van kung saan nakasakay na ang lahat, nang may humawak sa palapulsuhan ko. I turned around and was startled to see Manang. Tumingin siya saglit sa likuran ko bago bumalik ang mga mata sa akin. She looked a little scared, which I find strange.


"Manang, may problema po ba?"

Hindi siya nagsalita. Nanginginig ang mga kamay niya nang palihim niyang iniabot sa akin ang isang papel na nakatupi. Nagmamadali pa siya na tila may hinahabol na oras. I frowned and raised an eyebrow at her. I have never seen Manang Pasing act like this before. She's always smiling and joking around when I see her.


"Ma'am Tiffany, basahin mo po 'yan kapag magisa ka na lang. Siguraduhin mo pong malayo ka sa mga kaibigan mo." She was whispering as if she was terrified of what might happen if anyone heard her.


Dahan-dahan akong tumango at hinawakan ang mga kamay niya. Her hands are too cold.

"Sige po, manang. May kailangan ka pa po ba?"

Tumingin na naman siya sa likuran ko bago umiling. She touched my face and sighed. "Magiingat kayo ni Awi sa Serenaville."

"Kayo rin po dito. I'll call every once a while."


Inilagay ko muna sa bulsa ko ang papel bago ako sumakay ng van. I don't feel at ease for some reason.

"Ano 'yon? Anong pinagusapan niyo?" tanong ni Gael.

Nagbilin lang siya na 'wag daw kaming magpapagutom ni Awi."

He glanced at Manang Pasing for a second. Bigla namang tumalikod ito at pumasok na sa loob ng mansion. She was surprisingly in a hurry.


"Matutulog na muna ako sa daan. Pakigising na lang ako, Awi." Nagsuot na ako ng shades at naglagay ng neck pillow. I didn't want to chat with Gael or his friends while we're on the road.


"Wow. Dito talaga kami titira ng ilang araw?" Halos manlaki ang mga mata nilang apat pagkapasok na pagkapasok namin sa condo.

I smiled proudly I gazed at the whole place. Nakaka-miss rin pala kahit na minsan lang ako nanatili dito. I bought this unit at Funtaniego Towers, a luxurious condominium owned by Royce's uncle. Royce is Iris' ex suitor and my batchmate during college.

I was too bored with my life so I decided to spend my time renovating every rooms here. Hands on ako especially sa interior design. I went for neutral colors at most parts.


Naalala ko tuloy bigla si Abuela. Nakakalungkot na ni minsan ay hindi ko siya nadala dito. I should have brought her here when she was still alive. Sana inilibot ko rin siya sa buong Serenaville kahit umangal pa siya. There is so much I still I want to do with her.


"You guys can do whatever you want here. Sound proof ang walls kaya kahit magpatugtog kayo ng malakas ay ayos lang. Mayroong pool, tennis court, gym, and garden sa baba. All of those are free so you can visit it anytime. There is also a mall nearby, it's just around the corner. Pwedeng pwede lakarin. Uhmm Awi, 'yung spare keycard nga pala?"


She made a face but she still handed it to me. Iniabot ko naman kay Gael 'yon pagkatapos.

"Tap niyo lang sa pintuan 'yan para bumukas. Automatic lock naman pag labas niyo. Please don't lose that. Kahit kasi na-inform ko na ang security team tungkol sa inyong apat, baka magkaproblema tayo kapag nawala niyo 'yan."


Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu