Chapter 16 - Different Paths

570 22 1
                                    

CHAPTER 16

DIFFERENT PATHS


Tiffany's POV


It's strange not having Awi around. Tila tumahimik lalo ang mundo ko dito sa Elysian. Akala ko sanay na ako sa buhay rito pero nang umalis siya ay nanibago talaga ako.

I used to spend all day with her but now, I'm using most of my time with Abuela. In the morning, I'd sit with her in front of the TV to watch the shows she loves so much. Pero madalas ay makikita ko na lang na nakapikit na siya at humaharok ng mahina. I'd end up watching alone even though she's beside me.


Tuwing tanghali ay tinuturuan niya akong magluto. I can now cook adobo, tinola, sinigang and nilaga. I am still practicing how to cook gata meals. Medyo palpak pa ako sa paghihiwa ng gulay... Hehe.

"Aray!" reklamo ko nang matalsikan ako ng mantika. Pritong isda kasi ang uulamin ngayon ayon kay Manang. Gusto ko nga ay kare kare pero di pa ako marunong kaya ito na muna.

"Hinaan mo kasi ang apoy, iha. Masyadong malakas iyan." Ang bagal naman kasi maluto!


Yumuko ako at pipihitin na sana ang kalan nang natalsikan na naman ang kamay ko ng mantika. I jumped in pain and cursed under my breath. Agad kong pinasadahan ng tubig sa hugasanan ang kamay ko at binuksan ang ref upang makakuha ng yelo.

"Ayoko na nga! Mag gulay na lang tayo!" pagmamaktol ko. Humalakhak sila Abuela at ang ilan pang mga taga luto namin.

Ang hirap ng buhay kapag ikaw mismo nagluluto! I graduated college without having to cook for my own meals. Ngayon ko napagtantong napakaswerte ko pala talaga na nagsipag ang mga great great grandparents ko hanggang sa mga magulang ko upang mabigyan ako ng magandang buhay. I am slowly realizing how lucky I am.


Pagdating ng hapon ay madalas binibisita namin ni Abuela ang mga trahabador. Malakas pa talaga siya dahil nagagawa niya pang i-check ang lahat. Sa kanya pala namana ni Mama ang pagiging workaholic. It was fun seeing her do her own thing. Pini-picture-an at vini-video-han ko nga siya upang maalala ko ito habang buhay. Tuwing tatamarin ako mag-work, ito ang titingnan ko.

Tuwing nabo-bored ako sa pagiikot namin dito sa Hacienda ay kila Gael na ako sumama. Just like today, I'm with them again. Alas sais pa lang ng umaga ay nandito na sila sa labas ng mansion, niyayaya ako.


"I don't want to." I crossed my arms and frowned. Natawa sila Luis at Tonton habang nakatingin lang sa akin si Alba.

"Oh 'di wag," Gael joked around. Tutulong kasi sila ngayon sa Auntie ni Tonton sa pagtitinda sa palengke. May sakit ito kaya kailangang mamahinga muna sa bahay nila kaso nanghihinayang ang Auntie niya sa kikitain sana nila.


Ngumuso ako at pinagisipan mabuti kung magpapaiwan ba ako. I just don't like the smell of the public market. Hindi ako tumatagal sa mga ganoong lugar. I grew up buying my groceries at the grocery store. Malinis at naka-aircon. Kapag maputik at malansa ang amoy ng paligid ay nahihirapan pa rin ako. Tuwing nasa may babuyan nga kami ay madalas umaalis agad ako.


"Lika na. Wala ka namang gagawin diyan sa inyo." Hinawakan ni Gael ang kamay at hinila ako papunta sa pickup truck niya. I caught Alba looking at our hands so I immediately pulled my mine away. Nagtaas ng tingin si Gael sa akin ngunit tumawa lang naman ako.


Umupo na ako sa harapan at tumabi na rin sa akin si Alba habang sa likuran naman sila Tonton at Luis.

Mabuti ay naka-jogging pants at T-shirt na ako. Kakahimalos ko lang at kakakain ng almusal nang dumating sila sa mansion kanina. Kung alam ko lang aalis kami ay sana naligo ako.


Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now