Chapter 50 - Law

621 30 8
                                    

CHAPTER 50

LAW


Tiffany's POV


Para akong binuhusan ng ilang baldeng nagyeyelong tubig habang pinapanuod silang dalawa na halos maglaplapan na. They were making out right in front of me. Mga walang kaalam alam na pinanunuod ko na sila.

Luis was even cheering while he's recording everything using Gael's phone. Suportadong suportado niya ang kababuyan ng mga kaibigan niya.

Tonton didn't know what to do. He touched my elbow but I pushed his hand away.


Nandilim ang paningin ko sa sobrang galit. Although I've always had an impression that Alba and Gael were involved romantically, it still shocked me to learn that my assumptions were correct. I felt as though I had been given a slap in the face for not knowing what was going on behind my back.


"Gaano na katagal 'to?" tanong ko kay Tonton. Hindi siya umimik, tila nahihiya na nalaman ko na ang totoo.

I needed to know how long had this been going on. Sakto naman ay nakita ko ang cellphone ni Gael sa kamay ni Luis. Hindi ako nagdalawang isip na sumugod at hinablot iyon.


"Yvonne---" I was fast. Nagawa kong makalayo agad sa kanila. I immediately scrolled to the top of the gallery. Tumumbad ang sangkatutak na videos at pictures nila Gael at Alba. Halos masuka ako sa mga nakita ko. May mga nakahubad pang litrato nilang dalawa na magkayakap sa kama.


Tears immediately blocked my vision. Hindi ko nagawang gumalaw ng ilang segundo kaya nakuha ni Gael ang cellphone niya mula sa kamay ko. I was shaking badly.

They were having an affair before we even started dating. All this time, he was cheating on me.


"Sinong may sabing may karapatan kang tingnan ang cellphone ko?"

"Napakahayop niyong dalawa!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I slapped him hard in the face. Sobrang lakas na pati ang kamay ko ay kumirot. "Demonyo kang g*go ka! Nagtiis ako sa'yo, sa lahat ng katarantaduhan mo at sa lintek na ugaling meron ka, tapos ganito ang ibabalik mo sa'kin? Hindi pa ba sapat sa'yong ginagamit mo na nga ang pangalan at pera ko habang binubugbog mo 'ko, talagang lolokohin mo pa ako? F*ck you, Gael! Kinasusuklaman kita!"


"Aba, tumatapang ka na ah!" Bigla niya akong hinambalos kaya napaupo ako sa sahig. Nagdugo pa yata ang labi ko dahil tumama ang singsing niya doon. But it wasn't enough for me to back down. I wiped the blood off my lips and stood up. "Ano naman ngayon kung niloloko kita? Dapat nga matuwa ka pa dahil hindi kita iniiwanan."


I was completely done with him. Kung noon, nagagawa ko pang isipin si Abuela, ngayon napuno na talaga ng pagkamuhi ang puso ko para kay Gael. Ni isang katiting na awa, wala na akong maramdaman para sa kanya. If there's any emotion left that I have for him, that would be rage.


"Anong gusto mo, mag-thank you pa talaga ako sa'yo? Wow Gael, ano bang utak meron ka? You're so f*cking twisted, you make me sick! You're manipulative, abusive and a cheater! Ang lala mo!"


"Pwede bang 'wag kang mageskandalo dito, Yvonne? Mapapahiya mo lang din ang sarili mo," pagsingit ni Alba. "Mukha kang baliw ngayon na sigaw ng sigaw." Oh, this whore!

"You want crazy? Fine, I'll show you crazy!"


Dinuraan ko si Gael sa mukha pagkatapos ay hinablot ko ang buhok ni Alba. She stumbled upon the small table in front of her. Wala na akong pakielam kung tumama ang tuhod niya doon. Talagang kinaladkad ko siya hanggang sa madapa siya. She tried to reach for me but because she couldn't stand straight, all she could do is scratch my arms. It didn't bother me though, I was determined to give her pain, pain she also caused me.


Gone Stupid for Love (Elite Girls 3)Where stories live. Discover now