Chapter 2- The Deal

10 0 0
                                    

Binagsak ko ang katawan ko sa kama. Tumingin ako sa kisame at inisip ang nangyari kanina. Nakakapagod ang buong araw ko, ang daming nangyari.

Bumangon ako para magbihis ng biglang binuksan ni mama ang pintuan.

"Anak, tinawagan kita kanina, bakit hindi mo sinagot?" Bungad niya sa akin. Nakasuot pa siya ng blazer at trousers. Mukhang kakauwi niya lang galing trabaho.

"Ninakaw ang cellphone ko." Napanganga siya sa tugon ko.

"Ahhh kaya pala. Ilagay mo kasi sa harapan ang bag mo para hindi ka madukutan. Tsaka huwag kang magcecellphone sa mataong lugar. Iba ang ugali ng mga tao dito, hindi katulad sa probinsya natin," bilin niya sa akin. Imbes na magalit siya ay kinausap niya lang ako.

Hindi na ako tumugon pa at nakinig na lang sa bilin niya.

"Hayaan mo kapag dumating ang unang sweldo ko sa bago kong trabaho, bibilhan na lang kita ng bago," sabi niya.

"Huwag na, ako na lang ang bibili."

"At anong gagawin mo? Magtatrabaho ka? Naku hindi, magfocus ka lang sa pag-aaral mo. Tuparin mo 'yong mga pangarap natin at ang pangarap ng kuya mo."

Sumagi na nanaman sa isip ko si kuya. Ang pangarap niyang maging doktor para lang makaahon kami sa hirap at para mapa-uwi na niya si mama.

"Diskarte ko na 'yon," sabi ko at hinabad ang suot kong t-shirt.

*****

Medyo kabisado ko na ang daanan ko papuntang classroom kaya mabilis na akong nakarating.

Tinanaw ko agad ang upuan ng lalaking 'yon kahapon. Hanggang ngayon, hindi ko parin alam ang pangalan niya. Ano kaya ang nakasulat na tattoo sa mga daliri niya?

Napasubsob na lang ako sa mesa dahil nakakabored maghintay sa late na professor namin. Wala rin akong mga kaibigan kaya wala akong kausap.

Bumangon ako ng biglang nagtilian ang mga kaklase kong babae sa loob ng classroom. Ang ingay!

Natanaw ko na papasok ang lalaking nagnakaw ng cellphone ko. As usual, naka-uniform siya at suot na naman ng headphone niya.

Siya lang pala ang pinagkakaguluhan nila.

Okey, gwapo siya. Pero magnanakaw siya!

Ang gwapo talaga ni Casey.

Ang cool niya talaga!

Diba irregular siya? Palagi kasi siyang nadadrop dahil palagi siyang suspended.

Bulong-bulungan ng mga kaklase ko. Siya pala si Casey at kaya pala hindi ko siya kasama sa ibang subject dahil irregular siya.

Hmm... Hindi naman nakapagtataka.

Tiningnan ko siya ng masama at tumugon siya sa akin na walang pakialaman. Dumeretso siya sa upuan niya na parang walang nangyari.

Ang kapal ng mukha niyang magpakita sa akin pagkatapos niyang kunin ang cellphone ko!

Tumayo ako at naglakas loob na tumungo sa kanya.

"Hoy! Ibalik mo sa akin ang cellphone ko!" Malakas kong hinampas ang desk. Nagulat ang mga kaklase ko sa ginawa kong pagsigaw. Hindi na ako nakaramdam ng hiya sa ginawa ko dahil nasa tama naman ako.

Hala! Ba't ganyan siya kay Casey? Hindi niya ba kilala si Casey.

Papansin naman 'tong babaeng 'to.

Rinig kong bulongan ng mga kaklase ko pero hindi ako umalis sa harapan niya.

Binaba niya ang suot niyang headphone at tiningnan niya lang ako na parang hindi niya narinig ang sinabi ko.

City Renegades (Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon