Chapter 12 - Bond

1 0 0
                                    

Sinundo muna namin si Drake sa motor shop niya. Naabutan namin itong nagkukumpuni ng isang motor.

Mabilis na nilapitan ni Zara si Drake.

"Drake! Tara! Gala tayo!" Anyaya niya.

Napatigil si Drake sa ginagawa niya at nilingon si Zara.

"Ayoko. May tinatapos pa ako," sabi niya at muling bumalik sa ginagawa niya.

"Grabe ka naman! Minsan lang naman ako magyaya tapos ganyan ka pa. Kapag si Mikee ang magyaya sayo susunod ka kaagad, pero kapag ako busy ka. Ang unfair,' reklamo ni Zara sabay nguso.

"Hayss sige na nga!" Inis na sabi ni Drake at mukhang napilitan pa.

"Yehey!" Abot tenga na ngiti ni Zara at pumulupot sa braso ni Drake.

"Uy! Madumi ako!" Nahihiyang saad ni Drake.

"Okey lang, gwapo ka pa rin." Paglalambing ni Zara at sinamahan si Drake. Hindi man umimik si Drake pero kita ko ang pamumula niya.

Pumasok kami sa isang mall. Mabilis kong nilapitan si Zara at humawak sa kanya dahil naiilang akong sumama kay Rye.

Tumingin kami ng mga sales na lotion, sabon at mga make-up. Wala akong hilig sa pag-aayos dahil tamarin akong tao pero si Zara halatang conscious sa ganda niya. Hindi siya katulad ng ibang gangster na mukhang 'emo' o sigain. Napansin kong mahilig siya sa mga bagay na pangbabae pero hindi din siya 'yong sobrang kikay, maarte at mahinhin kong kumilos. Hindi din siya boyish, kundi malakas talaga ang carisma niya.

Swerte ni Drake sa kanya kung nagkataon.

"Try mo 'to. Maganda 'tong cream na 'to. Hindi ka magkakapeklat kapag may sugat ka,' suhestiyon niya sabay lagay nito sa basket ko.

Tanaw ko ang dalawang lalaki na mukhang naiinip na sa kakahintay sa amin at nililibang na lang ang sarili sa paligid.

Tumawa ako ng mahina dahil sa sitwasyon nila. Ang cute kasi nilang tingnan habang nagpipigil ng inis.

"Uy! Ganda nito!" Kinuha niya ang tester ng isang liptint. "Try ko sayo," sabi niya tsaka binuksan ang liptint at inapply sa bibig ko. "Ayan! Ang ganda! Ano sa tingin niyo boys?" Tanong niya at hinarap ako sa dalawang nakatayo.

"Hmm maganda." Namula ako sa sinabi ni Rye.

"Bilisan niyo na nga! Sabi na kasing hindi ako sasama eih. Kainis," inip na sabi ni Drake at napakamot na lang sa batok niya.

"Ang pangit mo naman kabonding," sabi ni Zara sabay nguso.

Halos abutin kami ni Zara ng isang oras sa kakabili at kakapili ng mga skin care, make-up o kahit ano pang makikita niyang maganda.

Nabunutan ng tinik ang dalawang lalaki ng makalabas na kami.

Pero hindi pa pala nagtatapos ang kalbaryo nila ng pumasok kami sa girls section. Pumunta kami sa bilihan ng mga underwear.

"Ayokong pumasok!" Reklamo ni Drake habang pinipilit siya ni Zara na pumasok sa loob.

"Paano mo ko mabibilhan ng bra kung hindi mo alam ang cup size ko?" Pangungumbinsi ni Zara gamit ang nakakatukso niyang mata.

Kita-kitang ko ang pamumula ni Drake at wala na siyang nagawa pa kundi ang magpahila kay Zara.

Ang cute nila!!!

Tinanaw ko naman si Rye na kanina pa tahimik. Tahimik siyang lumapit sa akin kaya nagkunwari akong pumipili ng underwear kahit wala akong balak na bumili.

"Gusto ko 'to! Cute ba?" Kinuha ni Zara ang kulay blue na bikini at pinakita kay Drake.

"Ewan. Ba't mo ba ako tinatanong?" Naiilang na wika ni Drake at hindi pa rin nawawala ang pamumula niya.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now