Chapter 38 - Escape

0 0 0
                                    

Abby's P.O.V

Hindi ko maiwasang mapaluha habang tumatakbo ako palayo.

Galit ako kay Casey dahil niloko niya ako at pinatay niya si kuya, ang daming rason para kamuhian ko siya pero sa tuwing naaalala ko ang panahong pinapagalitan niya ako para lang matuwid ang mali ko at palagi niya akong nililigtas kahit hindi niya naman kailangan gawin.

Hindi ko kayang balewalain siya.

Gusto ko siyang balikan, pero wala akong kakayahang ipagtanggol siya.

Wala akong magagawa ngayon kundi ang maki-usap sa buong City Renegades.

Maliit man ang chansa na makikinig sila pero iba sila sa mga gangsters na nakilala ko.

Tumigil ako ng biglang may pumutok na baril sa di kalayuan, sumunod ang nakakatindig balahibong pagsigaw ni Casey.

Tinakpan ko na lang ang tenga ko at hindi ko naiwasang umiyak.

Mga hayop sila! Wala silang konsensya!

"Shit." Muntik pa akong mahulog sa masukal na hagdan, mabuti na lang at nakahawak agad ako sa hawakan kaya hindi ako tuluyang nahulog pababa.

Kailangan kong umalis dito.

Tumigil ako sa paghakbang ng marinig ang pag-uusap ng dalawang lalaki.

"Patay tayo kay Jacob nito." Inis at nag-aalalang sabi ng isang lalaki.

"Paano natin mapapasok ang kwarto ng nanay niya eih ang daming nakabantay na Ciren doon."

Umigting ang pandinig ko sa sinabi nila.

Anong tinutukoy nila?

Hindi ako nakatiis kaya dahan-dahan akong bumaba para silipin sila. Napapanganga ako ng mapagtanto ang mukha ng dalawang lalaki.

Sila ang mga lalaking binugbog ni Neon, Mikee at Drake dahil nahuli silang nakikipagsabwatan kay Sandy.

Kabilang na pala sila sa Black Horizon ngayon?

"Eih kung tinuluyan na sana natin noon na sagasaan siya, edi sana wala tayong problema ngayon."

Shit! So sila nga ang may gawa noon kay mama!?

Kinuyom ko ang aking mga kamay, sakto at may nakita akong isang piraso kahoy sa dulo ng hagdan.

Bago pa nila ako makita ay agad kinuha ko itong kinuha at hinampas sa kanila. Malas nga lang at nakaiwas pa sila.

"Hoy! Ikaw si Abby diba!?"

"Siya nga!"

"Ikaw ang gustong patayin ni King!"

Sabi nilang dalawa na gulat na gulat ng makita ako.

Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kahoy nang sumugod sila sa akin.

Pagbabayarin ko sila sa ginawa nila sa mama ko.

Hinampas ko sa mukha ang lalaking nasa kanan ko. Napagewang-gewang siya at ng makahanap ako ng pagkakataon ay hinampas ko rin sa panga ang kasama niya.

Sabay silang natumba sa sahig dahil sa ginawa ko.

Hindi sila tuluyang nawalan ng malay pero atleast naalog ko ang mga utak nila.
Masyado nila akong minamaliit dahil babae lang ako.

Tsk. Hindi uso sa akin ang damsel in distress.

Muli ko silang sinugod pero tumigil ako ng marinig ang paghingi nila ng depensa.

"Teka! Teka! Huwag kang magalit sa amin. Inutusan lang kami ni Jacob kaya nagawa namin yon."

"Oo nga, natatakot lang kami baka papatayin niyang pamilya namin."

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now