Chapter 13 - The Headquarters

2 0 0
                                    


"Ba't palagi na lang kasi sinusunod ang utos ng unggoy na 'yon!? Panira talaga siya ng moment!" Padabog na lumabas si Zara sa club. Wala siyang nagawa dahil pinapauwi na kami ni Mikee.

"Kung ano man iyon, para rin sa kaligtasan niyo iyon," sagot ni Rye at pilit siyang pinapakalma.

"Ang sabihin mo gusto lang nila suluhin ang gulo. Ano pa ang silbi ng pagiging captain ko kong hindi nila ako isasali?"

"Delikado ang grupong iyon." Rye.

"Anong grupo?" Deretso kong tanong.

"Hell Doom," maikli niyang sagot. Parang pamilyar sa akin ang pangalan na 'to. Hindi ko lang matandaan kong saan ko narinig. "Ginamit nila ang kahinaan ni Yohan para sa illegal nilang gawain," seryoso siyang tumingin sa amin.

Hindi na umimik pa si Zara. Sa naging reaksyon niya halatang malakas ang Hell Doom.

Naagaw ang aming atensyon dahil sa lalaking kumaripas ng takbo sa pagitan namin.

Nagkatinginang kaming tatlo ng mapagtanto na si Yohan ang lalaking iyon.

"Bwesit si Yohan 'yon!" Inis na bulyaw ni Rye sabay kuyom ng mga kamay niya. Hindi na siya nakapagpigil at tumakbo siya para sundan si Yohan.

"Bumalik ka sa loob! Tawagin mo si Mikee at Drake! Bilis!" Utos ni Zara. Hindi na ako nagdalawang isip na sundin siya.

Pumasok ako sa loob ng club at binalikan ang table namin kanina.

"Drake! Mikee! Si Yohan!" Mabilis silang tumayo pero napaatras ako ng pinapalibutan kami ng grupo ng mga lalaki.

Nanatiling kalmado ang reaksyon nila samantalang ako, hindi ko maiwasang maistatwa sa kinatatayuan ko.

Hindi ko pa kabisado ang mga kilos nila.

"At saan naman kayo pupunta?" Tanong ng isang lalaki. Humupa ang tao sa paligid namin. Sa dami nila impossibleng matatalo kaagad namin sila.

"Anong pakialam mo? Na sa'yo ba paa ko?" Sarkastikong banat ni Drake. Palihim na tumawa ang mga kasama niya pero pinandilatan niya ito ng mata.

"Drake. Ikaw na ang bahala sa kanila." Tiningnan ko si Mikee kong seryoso ba siya sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang hahayaan niya si Drake.

"Sus! Basic," gigil na tugon ni Drake.

Mabilis na kinuha ni Mikee ang braso ko at hinila palayo sa kanila. Sinugod nila kami pero denepensahan kami ni Drake para makalabas kami ng club.

"Nasaktan ka ba?" Wika niya.

"Hindi."

Naabutan namin na nasa kamay na nila si Yohan at bugbog sarado na ito. Kaharap nila si Rye at Zara na hindi magawang makalapit dahil hawak nila si Yohan.

Naagaw ang atensyon nilang lahat dumating ni Mikee.

Nanginginig ang mga katawan nila ng makita si Mikee. Umatras ang lahat maliban na lang sa lalaking nasa gitna.

Ang nakabangga niya kanina sa club.

Mukhang siya lang ang may lakas ng loob para kalabanin si Mikee.

"Boss..." Walang lakas na tawag ni Yohan sa kanya.

"Sa wakas, makakaharap ko rin ang kilalang boss Mikee," mapang-asar niyang sabi.

"Bago 'yan, dumaan ka muna sa akin." Nagsitayuan ang balahibo ko sa sinabi ni Rye. Ang astig niya sa mga oras na ito.

Hindi na nakapagtimpi ang lalaki at sinugod niya si Rye.

Tumilapon sa lupa ang lalaki ng biglang siyang sinipa sa mukha ng taong bigla na lang sumulpot sa gitna ng tensyon.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now