Chapter 18 - Caught

1 0 0
                                    

Parang gusto ko na lang lamunin ng lupa ng mapagtanto ang ginawa ko.

Hindi maipinta ang sari-saring reaksyon ng limang lider sa ginawa kong pagsampal kay Mikee.

Kahit nga ako nagulat din sa ginawa ko.

"Tsk." Bumuntong hininga siya at ngumisi ng nakakatakot.
"Ba't mo ko sinampal?" Seryoso niyang tanong. "Ang sakit noon ha. Binibiro ka lang naman eih. Masyado ka naman seryoso hahaha!" Tawa niya at hinaplos ang namumula niyang pisngi.

Bakit?

Bakit hindi siya nagalit pagkatapos ko siyang sampalin?

Sa wakas ay nakahinga din ako ng maluwag.

Masyadong unpredictable ang mood ng lalaking 'to.

"Sorry," kahit kumalma ang reaksyon niya ay hindi pa rin nawala ang takot ko sa kanya.

"Nahhh. Okey lang 'yon." Kibit-balikat niyang sabi. "Sumama ka na kasi, boring naman kong lahat kami lalaki. Diba?" Bigla niya akong inakbayan.

Tumango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanya at inalis ang kamay niyang naka-akbay sa akin.

"Tara! Inom na tayo!" Masigla at excited niyang anyaya sa lahat.

*****

Hindi ako umalis sa tabi ni Mikee hanggang makapasok kami ng club.

Ang daming tao sa paligid, medyo nahilo ako sa makukulay at patay-sindi na neon lights.

"Hi, wanna dance?"

May isang babaeng lumapit kay Neon at inabutan siya ng inumin pero tinanggihan niya ito.

"Wow hanep! Goodboy yarn," tukso ni Yohan sa kanya.

"Tumahimik ka nga."

Pumili ng pwesto si Mikee. Sana naman magandang pwesto ang pipiliin niya.

Hinila niya ako at tumungo kami sa table na napili niya.

Pumwesto kami sa table na malapit sa balcony at malayo sa maraming tao.

Sa wakas, hindi na ako magtitiis sa sari-saring amoy at nakakahilong ilaw.

"Okey ka lang?" Tanong ni Rye at umupo siya sa tabi ko. Pansin niya siguro na hindi ako sanay.

"Uhmm," maikli kong sagot.

Maya-maya lang ay dumating na ang bucket ng inorder nilang drinks na may kasamang pulutan at box ng sigarilyo.

"Ano to? Sinong nag-order ng softdrinks at lollipop!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Drake at itinapon sa mesa ang mga ito.

"Akin 'yan! Bakit ba!?"

Nagulat kami ng damputin niya ang supot ng lollipop at isang bote ng softdrinks.

"Pambihira! Mikee! Ano 'tong pakulo mo!?" Inis na bulyaw ni Drake.

"Bakit?" Inosente niyang tanong at umaktong walang mali sa ginawa niya.

"Ikaw ang nagyayang uminom tapos omorder ka ng softdrinks at lollipop!?" Hindi makapaniwalang sabi ni Drake.

"Bakit hindi ko naman sinabing uminom ng alak ah. Inom lang ang sinabi ko," pangangatwiran niya na parang tama talaga ang ginagawa niya.

Napa-face palm na lang si Drake at hindi na kumontra pa.

"Haha! Huwag mo na lang basagin ang trip niya." Tinapik ni Neon sa balikat si Drake at binigyan ng isang stick ng sigarilyo.

"Masanay ka na sa dalawang 'yan," bulong ni Rye sa akin pagkatapos ay nagsalin siya ng inumin sa baso at ibinigay sa akin.

"Salamat."

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now