Chapter 3- The City Renegades

7 0 0
                                    

Dinala niya ako sa isang building na malayo sa matataong lugar. Maraming bubog ng salamin at sirang mga kable ng bakal. May graffiti sa pader na puno ng kabastusan ang nakasulat. Mukhang napabayaan na ang lugar na ito.

Napatakip ako ng ilong dahil sa umusbong na amoy ng sigarilyo. Sumalubong sa amin ang napakakalat na silid. May mga upos ng sigarilyo at nakakalat na bote ng alak.

Tumingin sa amin ang grupo ng mga lalaki na punong-puno ng tattoo ang katawan.

"Magandang umaga boss!" Bati sa kanya ng mga kasama niya. Tumango lang siya at nagpatuloy sa paglakad.

Tinawag siyang boss? So ibig sabihin nasa mataas siyang posisyon. Magaling ba talaga siya? Hindi kasi halata sa patpatin niyang katawan.

Dumeretso kami sa isang silid. Sumalubong sa amin ang lalaking nakaupo sa swivel chair. Lumawak ang ngiti niya ng makita niya kami.

"Magandang umaga boss," bati ni Casey at Gino sa kanya sabay yuko.

"Magandang umaga. Anong atin?" Tanong niya.

Hindi naman nakakatakot ang mukha niya pero halata sa katawan niya na malakas siya. Bumabakat ang muscles ng balikat niya sa suot niyang t-shirt.

Ngumiti siya sa akin kaya umiwas ako ng tingin. Mukha mabait at desenteng siyang tao, parang hindi siya gangster.

"Si Abegail Buenavista pala boss." Pagpapakilala ni Casey sa akin.

"Hello. I'm Jacob. Dito tinatawag nila akong King Jacob. Gusto mo bang magkape o mag juice?"

"Don't bother," matipid kong tugon.

"Nga pala boss, inimbitahan ko siyang maging myembro ng grupo natin. Malaking tulong siya sa plano nating mapabagsak ang City Renegades lalong-lalo na si Mikee," paliwanag ni Casey.

"Ano bang dahilan mo at bakit gusto mong pabagsakin ang City Renegades?" Seryoso niyang tanong sa akin. Kanina lang ay ngumingiti pa siya.

"Gusto ko lang pagbayaran ang City Renegades sa ginawa nila sa kuya ko," sagot ko sa kanya.

"Kuya? Sinong kuya?"

"Si Argus Buenavista."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko pero ngumiti siya ulit, "Okay. Subukin na 'yan."

Nagulat ako sa mabilis niyang pagsang-ayon na sasali ako sa grupo.

*****

Nag-ingay ang grupong nagtutumpukan sa paligid ko. Ito yata ang pagsubok na ginagawa nila bago makapasok.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maisip na baka pagdadaanan ko pa ang pagpapaddle o anumang masasakit na torture na gagawin nila sa akin. .

Umakyat si Jacob sa trono niya. Sumenyas siya para patahimikin ang grupo.

"Okey umpisahan na natin. Girls!" Tawag niya sa mga babaeng myembro nila para subukin ako.

"Huwag mo kong ipahiya," banta ni Casey sa akin.

Kinuyom ko ang mga kamay ko para pigilan ang kabang dumadaloy sa katawan ko.

Nagulat ako ng makita ang pamilyar na mukha papalapit sa kinaroroonan ko.

Sila lang pala.

Nawalan tuloy ako ng ganang lumaban ng makita ang apat na bully na nakabangga ko noong isang araw. Akala mo kong sinong malalakas porket nakapasok sa grupo ng mga gangster.

Bigla silang huminto nang makita ako. Nag-aalangan pa silang lumapit pero wala silang choice.

Hmmm. Easy.

City Renegades (Revenge)Место, где живут истории. Откройте их для себя