Chapter 33 - Two faced

1 0 0
                                    

Humilab ng tiyan ko sa gutom. Magdamag akong hindi nakakain. Gutom yata ang papatay sa akin dito.

Umayos ako ng upo ng masilayan si Neon sa pintuan. Malademonyo siyang ngumisi bago lumapit sa akin. May hawak siyang supot na may lamang sushi bento na paborito ko, isang bote ng softdrink at tubig.

Malakas niya itong inihagis sa paanan ko. Tumapon at kumalat sa sahig ang laman ng bento at nabasag naman ang bote ng softdrink.

"Gutom ka? Kainin mo, baka gusto mo ako pa ang sumubo sayo." Pilyo niyang sabi.

Tiningnan ko siya ng masama kahit kumukulo na ang tiyan ko sa gutom. Hindi ko rin naman makakain kasi nadumihan na ito.

"Ohh bakit hindi ka pa kumakain? Gusto mo talagang ako pa ang sumubo sayo?" Wika niya. Dumampot siya ng isang pirasong sushi sa sahig at pilit na isinubo sa akin. "Gutom ka diba?"

Mahigpit kong isinara ang aking bibig at iniwasan ang kamay niyang pinipilit akong pinapakain ng maruming sushi.

"Kumain ka!" Ipinahid niya ang pagkain sa mukha ko at ng hindi pa siya makontento ay sinampal niya ito sa akin. "Choosy ka. Ikaw na nga yong sinusubuan ayaw mo pa!?" Dinampot niya rin ang box at inihagis ito sa mukha ko.

Kinuyom ko ang mga kamay kong nagpupumuyos sa galit. Hindi ko siya tiningnan ng deretso baka mapatay ko siya sa tingin.

Gago ka Neon. Kapag nakalabas ako dito. Ikaw ang una kong papatayin.

"Napaka-arte mo." Muntik na niyang maapakan ang bote ng tubig na tinapon niya kanina. Kinuha niya ito at binuksan. "Oppurtyunista, makasarili at sinungaling." Nilagok niya ang laman ng bote at ibinuhos sa akin ang natirang laman nito.

May gana pa siyang magsalita ng ganyan eih siya nga tong nagloloko at pinaglalaruan ang mga babaeng nadadali niya.

"Hindi nga nagkamali ang kutob ko, isa kang anay sa grupong 'to. Malinaw na sa akin kong anong pakay mo. Yon ay ang paghigantihan kami sa pagkamatay ng kuya mo. Tama ba?" Seryoso niyang sabi.

Hindi ako tumangi at nanahimik na lang. Walang saysay kong itatanggi ko lahat. Alam na ng buong Ciren ang totoong pakay ko bago ko pa malaman lahat ng nangyari sa kuya ko.

"Well, deserve niya namang mamatay eih. Pagkatapos niyang agawin at patayin si Akari."

"Hindi mamamatay tao ang kuya ko!!" Hindi ko maiwasang mag-react sa sinabi niya. Hindi magagawa ni kuya lahat ng binibintang niya!

Walang naibahagi si kuya sa akin noon tungkol kay Akari at sa kong ano mang relasyon meron sila. Mabait ang kuya ko kaya hindi niya magagawang pumatay ng tao.

"Tumahimik ka!" Binato niya sa akin ang hawak niyang plastic. Napasabunot siya sa sarili niya sa sobrang inis na nararamdaman niya. "Dahil sa kuya mo! Nawala sa akin si Akari!"

"Mabait ang kuya ko! Hindi niya magagawa lahat ng binibintang mo!"

"Shut up!" Bigla niya na lang akong tinadyakan sa bewang ko. "Wala ka nang nangyari ang krimen kaya wala kang karapatang ipagtanggol ang mamamatay tao mong kapatid."

Muli niya akong tinadyakan sa sikmura. Sinubukan kong iwasan pero hindi ako makagalaw ng mabuti sa pwesto ko.

May punto siya, wala ako ng mangyari lahat ng insedenteng 'yon. Pero hindi ibig-sabihin noon na pinagdududahan ko si kuya.

Kaya nga gusto kong malaman lahat, gusto kong buklatin lahat ng misteryong tinatago ng Ciren at ang pagkamatay ng kuya ko.

"Neon! Anong ginagawa mo!?" Napatigil siya ng marinig ang sigaw ni Drake.

Tumambad sa harapan namin si Drake, Yohan at Mikee.

Napalunok ako ng magtagpo ang paningin naming dalawa. Naalala ko ang nangyari kagabi. Hindi ko akalain na hinayaan ko siyang halikan ako ng ganon-ganon lang. Hindi nga naka-isa sa akin si Rye kahit may gusto ako sa taong yon.

City Renegades (Revenge)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon