Chapter 28 - The Preparation

1 0 0
                                    

Dahan-dahan kong hinigop ang binili kong milktea at kinalma ang sarili sa harap ng lalaking 'to. Kanina pa ako nagtitimpi sa kakulitan niya, hindi talaga tumitigil ang bunganga niya. Kung hindi niya lang ako nilibre, hindi talaga ako sasama sa kanya.

"Excited na excited ako sa mangyayaring salpukan ng City Renegades at Black Horizon! Grabe! Lumipas ang tatlong taon at muling maghaharap ang dalawang grupo! Sigurado akong matatalo natin sila lalo na at nandito ka. Surebol walang binatbat 'yang Black Horizon na yan!" Paulit-ulit niyang sabi simula kanina tapos sinasabayan niya pa ng makulit niyang kamay.
"Kailangan magpakitang gilas agad tayo."

"Tumahimik ka nga!" Hindi ko na talaga matiis ang bunganga niya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao dahil sa ginawa ko.

"Uy kalma lang. Minomotivate lang naman kita Captain."

"Alam mo kasalanan mo 'to eih. Ba't ba kasi ako ang pinili mo? Naistress tuloy ako sa laban bukas." Bumuntong hininga ako pagkatapos sabihin sa kanya ang mga hinaing ko kahit wala din naman siyang maitutulong.

"Relax Captain! Para saan pa na nandito ang pinakagwapo mong Vice-Captain diba?" Pagyayabang niya sabay kindat.

Inirapan ko siya at muling hinigop ang milktea na hawak ko.

Magandang balita 'to sa amin ni Casey. Pero nakapagtataka lang kasi ang bilis naman ng promotion ko kahit hindi ko naman naibalik si Rye sa grupo.

"Ba't ako ang pinili mo?" Seryoso kong tanong sa kanya.

"Dahil malakas ang tiwala kong maibabalik mo si Rye sa Ciren." Kumpyansa niyang sabi ng may malawak na ngiti. Mas lalo tuloy akong na-pressure sa sinabi niya. Kung alam niya lang na hindi ko nagawang ibalik si Rye sa grupo.

"Paano kong hindi ko magawa?"

"Okey lang, alam kong proud na proud at kampante si Rye dahil nasa kamay mo ang iniingatan niyang grupo."

May pagka-sentimental din pala ang lalaking 'to. Ginagawa niya ang mga 'to para kay Rye. Mabuti pa siya, tapat sa kanya. Eih ako? Kelan ako magkukunwari? Hanggang kelan ko tratraidurin ang grupong 'to?

"Tsk. Bakit hindi na lang kasi ikaw?"

"Ayoko kasing pwumesto sa harapan hehe."

"Ahhhh kaya sa akin mo ibinigay para ako ang unang mabogbog? Ganoon? Ikaw ang lalaki sa ating dalawa tapos ikaw pa ang magtatago?"

"Uyy! Hahaha! Charot lang." Biro niya.

"Bwesit ka!" Mahina ko siyang hinampas. Nakakagigil ang isang 'to. "Akala mo makakatakas ka? Ilalagay kita sa harap no! Humanda ka."

"Uy Captain na maganda at pinakaseksi sa balat ng lupa! Huwag naman ganyan Captain, maawa ka naman sa mukha ko, sirang-sira na oh." Sabi niya sabay turo sa mga band aid niya sa mukha.

*****

Bumalik kami ng headquarters dahil mag-memeeting ang lahat ng District Captains, Vice at ang President. First time kong sumali sa meeting nila kaya medyo kinakabahan ako.

"Balikan na lang kita mamaya Captain. Punta lang akong palengke." Paalam ni Oliver sa akin ng ihatid niya ako. Tumango ako at tsaka siya umalis.

Pumasok na ako sa loob. Wala pang tao at mukhang ako ang unang pumunta dito. Inobserbahan ko ang paligid bago dahan-dahang pumasok sa Room 4. Ngayon may karapatan na akong pumasok sa conference room dahil isa na ako sa mga District Captain.

Dumeretso ako sa conference room, bumungad sa akin ang airconditioned na silid na may mahabang mesa, pinapalibutan ito ng mga upuan at merong white board sa harap.

City Renegades (Revenge)Место, где живут истории. Откройте их для себя