Chapter 34 - Brotherhood's Conflict

0 0 0
                                    

"Ba't ka pumunta dito?" Kunot-noong wika ni Mikee kay Drake.

"Tsk. Ayoko sanang pumunta pero masama talaga ang kutob ko kaya sinundan kayo." Sagot ni Drake.

"Na touch naman ako sa ginawa mo." Panunukso ni Mikee sa kanya at kinindatan niya si Drake.

"Tumigil ka nga!" Inis na suway ni Drake sa kanya.

"Hahahaha! Ang astig mo talaga!" Masigla niyang sabi at pumulupot sa braso ni Drake. Basta kasama niya si Drake, sinasapian talaga siya ng pagka-childish niya.

"Huwag mo kong ipahiya sa mga chicks dito!" Bulyaw ni Drake kay Mikee at inalis ang kamay nito.

"Ahhh-eihh... salamat Drake." Mahina kong sambit dahilan para mapatingin sila sa akin.

"Hindi ko yon ginawa para sayo, kaya hindi ka obligadong pasalamatan ako." Seryoso niyang sabi at nauna silang naglakad ni Mikee.

Bumalik kami sa silid ni mama. Sakto at nakasalubong namin si tita Vina at tito Richard. tumigil si tita ng makita ako at tinaasan ako ng kilay.

"Himala at naisipan mong puntahan ang mama mo." Sarkastiko niyang bungad sa akin at hinarangan niya akong pumasok sa pintuan.

"At sino naman kayo? Kayo ba ang nag-impluwensya sa pamangkin ko para maging tarantado?" Turo niya kay Mikee at Drake.

"Tita!" Suway ko sa sinabi niya. Biglang sumeryoso ang mukha ng dalawang lalaki.

"Ano!? Bawal bang tanungin ang mga tambay at basag-ulo na kaibigan mo? Kaya ka nagkakaganyan eih! Dahil sa kaka-sunod mo sa kanila."

"Huwag mo silang idamay." Banta ko sa kanya.

"Paanong hindi? eih simula ng lumipat ka dito puro bubulakbol ang ginawa mo! Tumigil ka sa pag-aaral para lang sumali sa mga taong 'to. Anong mapapala mo sa kanila? Magbenta ng droga?"

"Tumahimik ka!" Hindi ko napigilan ang sarili kong sinigawan siya. Nagulat siya sa ginawa ko pero hindi siya nag-patinag sa akin.

"Kita mo, nakukuha mo na ang pagiging-asal kalye ng mga taong to." Dagdag pa niya.

"Ganyan ba kababa ang tingin mo sa amin?" Drake.

"Oh? Eih ano ba dapat? Problema lang naman ang ambag niyo sa lipunan diba?"

"Kung sino man ang may asal-kalye sa atin dito, ikaw yon. Hindi ka nga nakatira sa kanto pero nakakasuka ang ugali mo." Kalmadong sabi ni Mikee pero may dating parin ang mga sinabi niya.

Mas lalong namula sa galit si tita Vina. "Aba't akala mo kong sino ka!?" Nagpupumuyos siya sa galit at lumapit siya kay Mikee.

"Huwag Tita!" Pigil ko kay tita Vina ng binigyan niya si Mikee ng malakas na sampal.
Mabuti na lang at mabilis na napigilan ni Drake ang kamay niya.

"Huwag mong subukan, dahil hindi ako magdadalawang isip na saktan ka kahit babae ka pa." Kinabahan ako sa inasta ni Drake.

Nanginginig ang kamay ni tita habang humihigpit ang pagkakahawak ni Drake sa braso niya.

"Bitawan mo ako!" Tita.

"Hoy! Anong ginagawa mo sa asawa ko!?" Naagaw ang atensyon namin kay tito Richard na papasok sa silid. Mas lalong nag-init sa galit si Drake.

"Mahal! Palabasin mo nga tong mga basurang 'to!" Kumalas siya sa pagkakahawak ni Drake at lumapit kay tito at mabilis na pinulupot ang kamay niya sa braso ni tito.

"Tara na Mikee! Umalis na tayo bago pa ako makabasag ng mukha dito." Inis na sabi ni Drake at nakahanda ng manuntok.

"Abby. Tara na." Anyaya sa akin ni Mikee.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now