Chapter 41 - My Safe Place

1 0 0
                                    

Umupo kami ni Rye sa sofa habang nakasandal sa pintuan si si Mikee. Abala siya sa paglalaro ng sinisipsip niyang lollipop. Panay ang tingin niya sa ng oras sa cellphone niya at mukhang nayayamot na sa pagbabantay sa amin ni Rye.

Grabe siya, hindi niya man lang kami binigyan ni Rye ng privacy.

Nahihiya akong kumausap kay Rye kaya nanahimik muna ako at dinistansya ang sarili ko sa kanya. Mukhang nahihiya din siya sa akin kaya pareho kaming parang timang dito na nag-iiwasan ng tingin.

Baka iniisip na niya na may relasyon kami ni Mikee. Kainis! Ba't niya kasi nakita!?

"Mabuti naman at magaling ka na." Hindi parin ako nakatiis at binasag ko ang katahimikan.

"Uhmmm." Tipid niyang sagot.

"Ano palang sasabihin mo?" Nahihiya na talaga ako sa kanya.

"Abby?" Malumanay niyang tawag sa pangalan ko. Namiss ko siya pero sobrang nahihiya na talaga ako sa kanya. Dahil ako ang dahilan kong bakit siya nasaktan at napahamak sa kamay ng Red Phyton.

Dapat nga magpapasalamat ako pero bakit dinidistansya ko ang sarili ko sa kanya?

Kinalma ko ang sarili ko at umupo ako ng maayos.

"Kayo ba ni Mikee?" Sabi ko na nga ba eih itatanong niya. Sabagay, sino ang hindi magdududa sa nakita niya?

"Ahhh-hindi no."

"Kelan pa?" Seryoso niyang tanong. Napatingin siya ng deretso sa akin. Hindi ko kayang labanan ang nakakatunaw niyang tingin kaya ako na lang ang umiwas.

"Wala ngang kami." Totoo naman pero ba't kinakabahan ako? Napaface-palm na lang ako sa sarili ko.

Pansin ko ang pagbuntong hininga niya bago siya nagtanong ulit. "May nangyari ba sa inyo?"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig. Masyadong personal na ang tanong niya, kung tatanggi ako. Wala rin namang silbi kasi nakatanim na sa isip niya.

"Ahhh eihhh-"

"Huwag mo nang itanggi." Mas lalong sumeryoso ang ekspresyon ng muhka niya kaya pinili ko na lang na manahimik ulit. "Nga pala, may aaminin ako sayo."

Ano kayang aaminin niya?

Aaminin ba niyang may gusto talaga siya sa akin?

Aksidente kong nahagip ang paningin niya. Seryoso parin siyang nakatingin sa akin pero sa oras na ito, parang may mali.

Ba't nararamdaman ko ang lungkot niya? Kahit hindi niya naman pinapakita sa akin.

"Ano?" Kalmado kong tanong. Kung ano man ang aaminin niya, gusto kong hindi siya maiilang sa akin.

"Abby..." Siya naman ang umiwas ng tingin sa akin. "I'm sorry... Sorry kong hindi ko nailigtas ang kuya mo ng gabing iyon."

"Huh?" Kumirot bigla ang puso ko sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin?

"Nang gabing 'yon. Pumunta kami sa bar kasama ang grupo ko sa Red Phyton. Baguhan palang ako sa grupo kaya nagkayayaan kaming lumabas. Naka-inkwentro namin si Casey sa isang bar. Hinabol namin siya ng makatakas siya sa amin."

"Nang mga oras na iyon, nakita ko siyang kausap si Argus at parang nagbabangayan sila. Hanggang napikon si Casey at pinalo niya ito ng bato sa ulo. Nilapitan ko ang kuya mo at sa pagkakataong iyon, alam kong buhay pa siya. Gusto ko sana siyang tulungan, pero tumakbo ako ng may narinig akong yapak sa di kalayuan. Irereport ko rin sana sa pulis ang aksidente pero sinabihan ako ni Jovert na manahimik at huwag nang sumali baka ako pa raw ang baliktarin."

Naninikip ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Hindi ko akalain na si Rye ay magiging witness sa pagkamatay ng kuya ko.

"Kaya noong nalaman ko na kuya mo si Argus, nakonsensya ako sa ginawa ko. Bumalik ako sa Red Phyton para pagbayaran lahat ng ginawa ko at para na rin maprotektahan ka at ang buong Ciren. Iniisip ko kasi na kapag ginawa ko 'to, mapapatawad mo na ako."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now