Chapter 26 - Pretentious

0 0 0
                                    

Hinanap ko agad si Casey pagkapasok ko ng headquarters ng Black Horizon. Mukhang ang daming tao ngayon at busing-busy sila sa kanya-kanya nilang gawain. Nakaset-up din sa gitna ang upuan ni Jacob, siguro may meeting na magaganap ngayon.

Dumeretso ako ng conference room dahil malakas ang kutob ko na nandoon ang lalaking hinahanap ko. Bumungad sa akin ang nakasobsob na mukha ni Casey sa desk at mahimbing na natutulog.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan at umupo sa tabi niya nag-aalangan ako kong gigisingin ko ba siya o hihintayin na lang na magising. Maingat kong hinawi ang magulo niyang buhok na nakaharang mata niya.

Ang gwapo niya kapag tulog at hindi mainit ang ulo. Palagi kasi siyang masungit kaya hindi ko tuloy naapprecite ang kagwapuhan niya.

"Anong ginagawa mo?" Mabilis kong inalis ang kamay ko pero mabilis niya rin itong nahuli at hindi na binitawan pa.

"Ahhmmm sorry... Gigi—singin sana kita ka—so ang— himbing ng tulog mo." Nahihiya kong tugon. Hindi ko alam kong bakit bigla na lang ako namula sa ginawa niya.

"Antok pa ako eih." Matamlay niyang sabi gamit ang malalim niyang boses. Mas lalo akong namula ng tinitigan ako ng mapungay niyang mata.

Bigla niyang sinandal ang ulo niya sa balikat ko.

"May hangover ka ba?" Inis kong sabi at inalis ang ulo niyang nakasandal sa balikat ko pero nagmatigas siya at sumandal ulit.

"Wala. I just want to rest. Just let me rest okey?" Sabi niya at wala na akong nagawa pa kundi hayaan siya.

"Ahhmmm... nga pala-" Ayoko sana siyang istorbohin pero kailangan kong sabihin sa kanya ang sinabi ni Mikee kagabi. "Nag-usap kami ni Mikee, sabi niya gagawin niya daw akong 4th District Captain kapag nakumbinsi ko si Rye na bumalik sa Ciren."

Akala ko magugulat siya pero kibit-balikat siyang tumingin sa akin at muling ibinalik ang ulo niya sa balikat ko.

"Edi grab mo na." Walang gana niyang bigkas. Himala. Hindi man lang siya nagulat sa sinabi ko.

"Yon lang?" Hindi talaga ako nakontento sa sagot niya.

"Kumbinsihin mo siya kong makakaya mo," paghahamon niyang sabi sa akin.

"Talaga." Kumpyansa kong sabi at inalis ang balikat ko sa pagkakasandal niya. Inis siyang tumingin sa akin pero tiningnan ko siya ng nakataas ang kilay.

Akala niya siya lang ang may attitude dito.

"Hindi mo kayang baguhin ang desisyon ni Rye. Alam kong hindi lang ikaw ang rason kong bakit siya bumalik ng Red Phyton."

Ibang rason? Ano naman 'yon?

"Wow ang sweet naman." Pareho kaming umayos ng upo ng sumulpot si Gino na may nakakaasar na ngiti.
"Naglalandian kayo jan habang ang boyfriend mo sa labas nakikipag-bugbogan?"

"Boyfriend?" Kunot noo kong tanong. Wala naman akong boyfriend. "Wait. Rye!?"

"Yup."

"Saan ka pupunta?" Ramdam ko ang paghigpit ng kapit niya sa kamay ko. Tiningnan niya ako ng seryoso at hinintay ang sagot ko.

"Kay Rye." Mahina kong tugon.

"Dito ka lang." Diin niyang bigkas at mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko.

"Kailangan ko siyang puntahan! Hindi dapat siya madamay dito!" Hindi ko na mapigilang hindi mataranta sa narinig ko. Kailangan kong puntahan si Rye baka kong ano pang mangyari sa kanya.

Hindi pa naman nakokonsensya si Jacob na pumatay lalo na noong pinatay niya si Vincent.

"You stay here!" Bulyaw niya sa akin.

City Renegades (Revenge)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt