Chapter 24 - Sacrifice

0 0 0
                                    

"Bitawan niyo ako!!" Pinagsisipa ko sila pero wala parin akong magawa sa higpit ng pagkakahawak nila sa braso ko.

"Abby!" Hindi ako masubukang lapitan ni Rye dahil may mga lalaking sumusugod at nakikipag-away sa kanya.

Bwesit na Kenji 'to! Talagang gagamitin niya ako para lang matalo ang Ciren.

"Rye!" Bigla akong sumigaw ng hampasin siya ni Kenji ng bakal sa ulo.

Shit! Rye!

Hindi man lang siya nakaiwas sa malakas na paghampas ni Kenji sa kanya. Tumaob ang walang malay niyang katawan sa lupa.

"Hindi! Rye!" Buong pwersa kong pinilit na kumuwala sa pang-gagapos nila para lang malapitan si Rye pero wala talaga akong laban.

"Haha ang weak naman ng boyfriend mo. Hindi ka man lang kayang ipagtanggol." Inapakan pa ni Kenji ang  batok niya.

"Ang sama mo!" Halos mamaos na ako sa kasisigaw.

"Hahaha, matagal na baby. Bakit? Hindi ba halata?" Kenji.

"Gago!"

"Hahahah. Wala ka nang magagawa, dahil sayo mamatay ang boyfriend mo." Insultong tawa niya.

"Hindi kita hahayaang gawin 'yon!"

"At anong magagawa mo? Ha!?" Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng isang malakas na suntok sa mukha. Aksidente kong nakagat ang labi ko dahil hindi ko naiwasan ang kamao niya.

Ramdam ko ang sakit ng pisngi ko. Tiningnan ko siya ng masama, hindi ko mapigilan ang galit ko lalong-lalo na ng masulyapan si Rye na wala ng malay.

Tama nga si Casey, gustuhin ko mang hindi madamay si Rye pero hindi parin maiiwasan 'yon. City Renegades Captain siya at Black Horizon ako.

Ako ang dahilan kong bakit siya napapahamak.

"Geh. Ikulong niyo na yan." Utos ni Kenji.

Pinilit kong kumuwala ulit sa kanila pero wala na akong magawa ng biglang may tumakip ng panyo sa ilong ko at unti-unti ng lumabo ang paningin ko ng malanghap ang kemikal.

Rye...

*****

Minulat ko ang aking mga mata. Nahilo ako sa nakakasilaw na liwanag na bumungad sa aking paningin . Nilibot ko ng tingin ang buong lugar at kitang-kita ko na puno ng mga lalaking nakasuot ng pulang jacket.

Umiinom sila at nagsusugal sa isang mahabang mesa. May iba pang sumisindi at nakikisinghot ng sigarilyo. Ang mas malala pa ay may humihithit ng droga sa isang maliit na pakete gamit ang straw. May mga babae din silang myembro na nakikisali sa gawain nila.

Red Phyton Hideout!?

Napansin ng iba na gising na ako kaya mabilis nila itong ipinagsabi kay Kenji.

Pilit kong ginalaw ang kamay kong nakatali sa kadena.

Mukhang mahihirapan akong makatakas sa lugar na 'to. Hindi ko maaasahan ang City Renegades na iligtas ako maliban kay Rye. Hindi rin alam ni Casey na kinidnapped ako ng Red Phyton.

Wala talaga akong maisip na plano.

Nanlamig ako nang matanaw si Kent papalapit sa akin. Ngumiti siya ng nakakatakot habang pinapalibutan siya ng buong myembro ng Red Phyton.

"Welcome. Nagustuhan mo ba dito?" Bati niya. Tiningnan ko siya ng masama.

"Che!" Gigil kong sigaw sa kanya sabay dura sa harapan niya.

Tumawa siya ng malakas ganoon din ang mga myembro pero agad silang tumahimik sa isang pitik lang ni Kent.

"Hindi mo ba alam na dating Red Phyton si Rye? Bago siya naging Black Horizon at City Renegades?" Wika niya.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now