Chapter 9 - The Ambush

4 0 0
                                    

Panay ang tingin sa akin ng mga studyanteng nakakasalubong ko sa lobby. May ibang bumubulong at tinatawanan pa ako pero hindi ko na lang sila pinansin.

Inayos ko ang suot kong sunglasses tsaka pumasok sa loob ng classroom.

"Uy! Where's the sun hahahah." Panunukso ng mga kaklase ko pero hindi ko sila pinansin at dumeretso papunta sa upuan ko.

Sinulyapan ko si Casey at kitang-kita ko na busy na naman siya sa kakacellphone niya at pakikinig ng music sa headphone niya.

Dinukot ko sa bulsa ang cellphone ko ng maramdaman kong nagvibrate ito. Lumabas sa screen ang text na galing sa kanya. Agad ko naman itong binuksan.

Dalhin mo mamaya si Zara sa Roxas Street sa gilid ng basketball court.

Luhh! Seryoso ba siyang papatayin niya si Zara?

Anong plano mong gawin? Agad kong reply sa kanya.

Huwag ka nang magtanong sundin mo na lang ang utos ko.

Tsk. Kainis talaga 'tong lalaking 'to. Wagas kong maka-utos.

Paano ko naman madadala si Zara doon? Eih hindi naman kami friends. Tsaka hindi ko alam kong saan siya. Gigil kong reply sa kanya.

I already did that.

Napakamot ako ng ulo sa sinagot niya. Hindi ko masyadong ma-intindihan ang punto niya sa reply na 'to.

Nilingon ko siya para tanungin pero. "Aray-" hindi pa ganun kahilom ang mga sugat at pasa sa mukha at braso ko. Mabuti na lang at maganda ang ointment na binigay sa akin ni Rye.

Nakatanggap ulit ako ng text sa kanya. Mabilis kong binuksan ang message niya baka ipapaliwanag na niya sa akin ang ibig sabihin ng huling chat niya.

Huwag ka nang lumingon.

Mahina kong hinampas ang mesa ko sa sobrang inis. Casey!!!

Hindi na ako nakapagreply dahil dumating na ang professor namin.

Napahikab ako sa boring niyang discussion. Parang magreretired na kasi ang professor namin kaya nakakaantok na siyang magdiscuss.

"Miss Buenavista?" Tumayo ako ng tawagin niya ang pangalan ko. "I'm distracted with your sunglasses, can you take it off?" Utos niya sa akin.

"Ahmmm I'm sorry. I can't," sagot ko sa kanya. Napabuntong hininga siya sa sinagot ko habang tumatawa naman ang iba kong mga kaklase.

"Just take it off," diin niyang sabi at mukhang hindi na siya natutuwa.

Napairap na lang ako at binaklas ang suot kung sunglasses.
Napanganga sila ng makita ang nangigitim kong mata.

Nag-umpisa na namang magchismissan ang mga kaklase ko.

"Oh my gosh what happened to you!?" Hindi makapaniwala ang prof namin sa nakita niya sa mukha ko. "Are you okey?" Nag-aalala niyang tanong tsaka nilapitan ako.

Napayuko na lang ako. Ayokong nasa akin ang atensyon nilang lahat tapos ganito pa ang itsura ko.

"May nambubully ba sayo?" Tanong niya. Nanatiling akong tahimik at hindi na sumagot pa. Wala akong maisip na palusot sa kanya.

"Hoy!"

Natuon ang atensyon naming lahat ng walang hiyang pumasok sa silid namin si Zara. Hindi ako makapaniwala na nandito si Zara sa harap ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Uy chicks!" Napapanga ang mga lalaki kong kaklase sa ganda ng mukha at malusog na hinaharap ng babaeng 'to na parang gusto ng kumuwala sa masikip niyang blouse.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now