Chapter 31 - True friend

1 0 0
                                    

"Huwag ka ngang makigulo dito." Supladong saway sa kanya ni Casey.

"Pinoprotektahan ko lang si Abby dahil alam kong hindi mo siya kayang protektahan." Pagmamayabang ni Rye.

"Hindi kailangan ni Abby ng tulong mo." Kontra ni Casey sa kanya. Ayaw niya talagang magpatalo.

"Kahit na, proprotektahan ko parin siya."

"Talaga ba? Eih mukhang ikaw pa yata ang kailangan naming protektahan eih." Pilyong tukso ni Casey at talagang gusto niyang pikunin si Rye.

"Tumahimik ka! Kung ayaw mong humiwalay yang ngipin mo sa gilagid mo!" Pikon na sabi ni Rye at ipinukol ang inis sa taong sumugod sa kanya. "Gago." Huling bigkas niya at sumulyap ng matalim na tingin kay Casey.

"Huh, edi subukan mo, kung kakayanin mo." Hindi din nagpatalo si Casey. Umikot siya at siniko ang panga ng lalaking sumugod sa kanya pagkatapos ay umabante siya tungo sa likod ng lalaki at siniko ang batok nito. Hindi na ito nanlaban pa at lumuhod na lang sa ginawa ni Casey.

"Susubukan ko talaga!" Inikot ni Rye ang kamay ng kalaban niya hanggang namimilipit ito sa sakit tsaka niya binuhat at ibinagsak ang katawan nito sa lupa.

"Tsk. Magsasayang na naman ako ng oras sa mahinang nilalang na katulad mo." Hinila ni Casey ang kamay ng kaharap niya. Napaaray ito sa sakit ng binali niya ang paa nito at binalibag sa tabi.

Walang ni isa sa kanila ang gustong magpababa ng kayabangan nila.

"Ang yayabang niyo!" Bulyaw ko kaya bigla silang tumahimik. Naiinip na ako sa pagtatalo nila at sa kaliwa't kanan nilang pang gugulpi.

Kainis. Akala mo kong sinong malalakas eih mga ungoy naman.

Nawindang ang lahat ng umalingawngaw sa buong paligid ang tunog ng siren ng pulis. Halos lahat ng myembro ay nagsitakbuhan palayo sa lugar para hindi maabutan ng mga pulis.

"Ciren! Retreat!" Rinig kong sigaw ni Drake na ngayon ay natatanaw ko na siya dahil humupa na ang tao sa paligid. Ang tanging naiwan lang ay kami at ang mga lider ng City Renegades.

Nakita ko rin si Jacob, Gino at ang magkapatid na Kent at Kenji, tumatakbo na sila paalis ng lugar.

Gulat na gulat ang limang lider ng Ciren ng makita nila akong kasama ni Casey at Rye. Mabilis na humarang si Rye at Casey sa harapan ko ng mapansin nila ang atensyon sa akin ng limang City Renegades.

"Neon! Yohan! Kunin niyo siya!" Utos ni Drake sabay turo sa akin.

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw kahit na papalapit sa akin si Yohan at Neon, dagdag pa ng papalapit na alarm ng pulis.

"Tumakbo ka na Abby!" Utos ni Casey sa akin. Sinubukan kong humakbang pero hindi talaga nakiki-ayon ang mga paa ko.

Mas lalo pa akong natakot ng marinig ang boses ni Neon. "As if my tatakbuhan pa kayo."

"Umalis na kayo Casey, ako ng bahala dito." Utos ni Rye sa kanya.

Isasakripisyo na naman ba niya ang buhay niya!?

"Anong tingin mo sa akin!? Mahina!?" Ngayon si Casey na rin ang napikon.

"Sige na! Itakas mo na si Abby habang nililibang ko sila." Rye.

"Wow! Himala may tiawala ka sa akin!?"

"Wala akong choice kundi ipagkatiwala si Abby sayo! Alam kong gusto mo ring iligtas si Abyy." Inis na bulyaw ni Rye sa kanya.

"At sino ka para utusan ako!?" Galit na sigaw ni Casey.

"Paki-usap... umalis na kayo, alam kong hindi mo pabababyaan si Abby kaya hayaan niyo na akong humarap sa dalawang to. Alam kong hindi nila ako kayang saktan." Nagmamakaawang sabi ni Rye kay Casey.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now