Chapter 6 - The 2nd District Captain

5 0 0
                                    

Ilang dasal na ang nabanggit ng utak ko para lang magkaroon ng pag-asang mabuhay sa harap ng babaeng 'to. Hindi pwedeng siya papatay sa akin.

"Ano!? Takot ka!? Hahahah!" Kumpyansa niyang sabi dahil sa hawak niyang baril na nakatutok sa akin. Hindi siya makalapit sa akin baka ulitin ko ulit ang ginawa ko kanina. "Ba't di mo sisihin 'yang kaibigan mong si Casey na pinabayaan ka," sabi nito at tumawa ulit na parang baliw.

Shit! Tinatraidor ba ako ng lalaking 'yon!?

Palihim kong sinulyapan si Fiona. Nawalan na siya ng malay at punong-puno ng pasa ang katawan at mukha niya. Nangingilid pa ang luha sa mga mata niya.

I'm sorry Fiona.

Napayuko at napapikit na lang ako, hinintay kong kalabitin niya ang gatilyo.

"Kidnap for Ransom pala ha."

Nabuhayan ako ng loob ng matanaw ang dalawang lalaking nasa harapan ko.

Sinugod sila ng pitong lalaki. Ang dalawang gumagapos sa kamay ko ay tumulong na rin para patumbahin sila.

Sumugod ang isang lalaki kay Neon pero mabilis niya itong naiwasan. "Huwag 'yong mukha ko!" Bulyaw ni Neon at sinuntok ang lalaki. Lumagapak ito sa cemento kaya pinalibutan siya ng mga kasama nito.

Hindi siya natinag, sa halip ay mukhang naexcite pa siya. Sinugod siya ng isang lalaki pero kaagad niyang nasalo ito. Binali niya ang kamay nito at tinapon sa kasama niya kaya pareho silang natumba sa sahig. Mabilis niyang sinipa ang natitirang lalaki at natumba ito sa sahig.

Sinipa naman ni Rye ang dalawang lalaking sumugod sa kanya. Deretsong siniko ang susugod na sana pero hindi man lang ito nakalapat ng suntok sa kanya.

Napatumba nila ang pitong lalaki ng hindi man lang pinagpawisan.

"Basic," pagyayabang ni Neon at nasubukan niya pang mag stretch ng leeg.

Ang astig! Ganito ba ang City Renegades 1st and 2nd district Captains?

"Tumigil kayo! Ipuputok ko 'to!" Nanginginig at namumutla na si Sandy. Tinutok niya ang hawak niyang baril kay Neon at Rye.

Parehong napataas ng kamay ang dalawa pero halata na hindi sila natatakot o natitinag man lang.

Hindi mawari ni Sandy kung sino sa kanila ang uunahin niya. Halatang nag-aalangan itong magpaputok ng baril dahil takot siyang mamatay ang isa kanila.

"Shit! Iputok mo na kasi!" Sinipa ko siya sa likod at napasubsob siya sa sahig. "Ang bagal!" Inis kong reklamo at binigyan siya ng napakalakas na sipa sa mukha. Ng hindi pa ako makontento ay pinuntirya kong tapakan ang ilong niyang dumudugo.

"Ouchh! It's hurts! You slut!!" Wala na siyang nagawa at hindi na lumaban pa.

"Tama na," pigil sa akin ni Rye ng mapansin niyang sisipa ulit ako.

"Ang astig mo," puri ni Neon at binigyan ako ng napakasweet niyang ngiti habang karga niya si Fiona. "Salamat sa muling pagligtas sa kapatid ko."

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko, mabuti na lang at nakatalikod na si Neon.

"Kinilig ka naman?" Pagsusungit ni Rye sa akin. Nasira tuloy ang mood ko ng makita ang pagsusuplado niya. Pero in fairness ang cute niya.

*****

Padabog akong pumasok sa headquarters ng Black Horizon. Hindi ko na alintana ang mabahong usok ng sigarilyo dahil hinahanda ko ang kamay ko sa paglapat sa mukha ni Casey.

Pabalang kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin si Casey na may masamang tingin. Mukhang naistorbo ko siya.

"Balak mo ba akong patayin!?" Bungad ko sa kanya. "Kasabwat mo ba ang Sandy na 'yon!? At bakit tinuloy mo pa rin ang plano kahit nagtext na ako sayo!?." Kinontrol ko pa ang galit ko at pinilit na maging kalmado pero mas lalo lang akong nainip sa blangko niyang reaksyon.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now