Chapter 11 - Pass or Failed?

2 0 0
                                    

Bumuntong-hininga ako bago umabante. Tuluyan nang humupa ang mga tao sa paligid namin ni Zara para mabigyan kami ng espasyo.

Maririnig ang hiyawan ng mga myembro. Maraming sumusuporta kay Zara habang iilan lang ng sumusuporta sa akin.

Tumakbo si Zara papalapit sa akin. Shit! Hindi pa ako handa! Yumuko ako para iwasan ang unang suntok niya. Dapat hindi ako matamaan ng unang suntok niya dahil malakas ang pwersa nito.

Napangisi siya ng naiwasan ko ang unang atake niya. Muli siyang sumugod pero mabilis akong tumagilid para iwasan ulit ang tira niya.

Shit wala pa akong maisip na paraan kong paano ko siya atatakihin.

"Iiwas ka na lang ba forever!? Wag ka nang maghisitate na saktan ako," sabi niya at ginalaw-galaw ang balikat at leeg niya.

Muli siyang sumugod ng suntok, nasubukan kong iwasan pero nagulat ako ng mabilis niyang sinundan ng siko sa lalamunan ko.

Napaatras ako. Pinunasan ko ang labi ko ng maramdaman ang hapdi ng sugat dahil aksidente ko itong nakagat.

Ako naman ang sumugod sa kanya, as expected naiwasan niya ang unang suntok ko. Nagulat ako ng biglang lumapat ang tuhod niya sa baba ko. Napaangat ang ulo ko at napaatras na naman ako. Mas lalo tuloy dumugo ang bibig ko.

"Shit!" Mura ko sa kanya mas lalo lang siyang nanggigil ng marinig niya ang mura ko.

Kainis! Hindi man lang ako makapuntos sa kanya. Inayos ko ang tayo ko at buong pwersa ko siyang sinunggaban ng suntok pero hinarangan ito ng mga braso niya. Hinawakan niya ang braso ko at binali ito tsaka niya ako sinipa.

Napangiwi ako sa sakit ng bumagsak ang katawan ko sa semento, nadaganan ko pa ang braso ko. Mabilis niya akong pinatungan at muling pinaulanan ng suntok.

Denepensahan ko ang mukha ko gamit ang mga braso ko.

Parang wala din akong nagawa. Katulad ng una naming paghaharap ay ganito din ang nangyari sa akin. Pinaulanan niya rin ako ng suntok hanggang sa nawalan ako ng malay.

Hindi ko man lang mabago ang resulta ng laban namin ni Zara. Wala akong maisip na paraan.

Kita ko ang pag-aalala sa mukha ni Rye at ang pagkadismaya ng apat na lider na nanood sa amin. Dagdagan pa ng naghihiyawang mga lalaki sa paligid namin.

Namamanhid na ang mga braso at mukha ko sa walang tigil na pagsuntok ni Zara sa akin. Hindi pwede 'to! Kailangan kong lumalaban!

Kung matatalo ako ngayon, mawawalan ng saysay ang pinaghirapan namin ni Casey, hindi ko makakamit ang hustisya ng kuya ko at ng ina ni Casey. Tsaka baka mamatay pa ako at madamay pa si mama

Hindi pwedeng ganito na lang ako.

Hindi ako papayag na ako lang nakakatikim ng sakit na pinaramdam nila. Gusto ko ring iparamdam sa kanila ang sakit na nararamdaman ko!

Buong pwersa akong bumangon at binigyan siya ng napalakas na headbutt sa noo. Parang nabiyak ang bungo ko pero sulit ang lahat ng makita ko ang pagtigil at pagkahilo ni Zara.

Hindi ko na pinalampas ang pagkakataong ibagsak siya sa lupa at paulanan ng suntok.

Rinig ko ang sigaw at hindi makapaniwalang reaksyon ng myembro sa paligid ko.

Napakagat-labi ako dahil sa hindi mapigilang gigil na pwersang binibigay ko kay Zara.

Ito para sa kuya ko!

Ito para kay Casey!

At ito para sa akin!

Tumigil ako ng maramdaman ang hindi pag-galaw ni Zara.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now