Chapter 16 - Threat

1 0 0
                                    

Abby P.O.V

Tuluyan na ngang sumuko si Zara sa mga pulis. Hindi ko alam kong matutuwa ba ako sa nangyari.

Nagpakawala ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko. Palpak na naman ang plano.

Nagawi ang pansin ko sa pintuang bumukas. Bumungad sa akin ang nanlilisik na mata ni Casey.

"Anong ginawa mo!?" Mabilis niyang hinablot ang balikat ko at ibinangga ako sa pader. Buong pwersa niya akong sinakal. Pinilit kong kumalas pero wala akong sapat na lakas laban sa kanya.
"Niloloko mo ba ako!?" Ramdam ko ang bilis na pagkabog ng puso ko ng makita ang galit sa mga mata niya.

Parang gigil na gigil siyang patayin ako!

"Tama na yan Casey!" Pang-aawat ni Gino ng makita niya kami. Pwenersa niyang alisin ang kamay ni Casey sa pagkakasakal sa akin.

Salamat at dumating si Gino, kung hindi baka malamig na bangkay na ako dito.

Napaubo ako dahil sa sakit ng lalamunan ko.

"Traidor ka! Wala kang kwenta! Bwesit!" Bulyaw niya sa akin at hindi ko man lang magawang depensahan ang sarili ko.

Kainis siya! Pagkatapos kong mabogbog sa kamay ng Red Phyton ito lang ang igaganti niya sa akin!?

"Tama na, mag-isip na lang tayo ng ibang plano," pagpapakalma ni Gino at mukhang epektibo naman.

"Palagi na lang palpak ang plano. Hindi ko na alam kong ano ang gagawin ko para lang sundin ng babaeng 'to."

"Hindi naman palpak ang plano eih, hindi lang ito yong ineexpect natin na mangyari. Pero atleast diba, isa sa mga District Captains ang napatanggal natin sa grupo. Malaking bagay na sa atin ang mawala si Zara sa Ciren. Atleast makakagalaw na ng maluwag si Abby." Gino.

Mukhang kumalma na rin si Casey sa sinabi ni Gino.

Tama nga si Gino, pero kawawa naman si Zara.

Kailangan ko nang tapusin ang misyon para wala nang taong magiging malapit sa akin at mapapahamak ulit.

"Ako na lang ang papatay kay Drake," napatingin silang pareho sa akin. Halatang hindi sila makapaniwala sa sinabi ko.

Kailangan ko nang tapusin 'to.

"Tsk. Hindi mo kayang pumatay," kontra ni Casey sabay irap.

"Hinuhusgahan mo naman siya. Ba't di natin subukan? At para mapatunayan niya rin na hindi niya tayo tinatraidor," suhestyon ni Gino.

Ngumisi siya ng nakakaloko, nagpapakita na wala na siyang tiwala at bilib sa mga sinasabi ko. Gusto ko man kontrahin pero mas mabuti kong tatahimik na lang muna ako.

"Sa ngayon, huwag kang munang makialam. Umalis ka muna sa paningin ko," seryoso niyang sabi sa akin.

"Eih ano ang balak mong gawin?" Tanong ni Gino sa kanya.

"Wala akong choice kundi gamitin si Vincent."

Nagkamali ba ako ng dinig?

Tiningnan ko siya pero seryoso siya sa sinabi niya.

"Ang 4th District Vice-Captain?" Gino.

"Oo," tipid niyang sagot. Tumayo siya at tumungo papalapit sa akin. "Isang pagkakamali pa, ako mismo ang huhukay ng libingan mo."

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya, ayan na naman ang nakakatakot niyang mga mata. Pareho sila ni Mikee na may kakaibang awra kapag galit.

Magkapatid nga sila.

*****

Si Vincent? Paano naman papatayin ni Vincent si Drake eih magkakampi sila?

Ano kaya ang plano ni Casey?

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now