Chapter 10 - The Confrontation

1 0 0
                                    

Biglang dumilim ang paligid dahil sa makapal at maitim na ulap na bumabalot sa kalangitan. Dumaan ang malamig na hangin na kasing lamig ng mga tingin ni Casey at Mikee.

Ang lakas ng presensya nila.

Pati ang langit natatakot na rin sa hindi mapigilang tensyon na umaapaw sa kanilang dalawa.

"Kamusta kuya? Masaya ka ba?" Sarcastic na sabi ni Casey sabay ngisi para inisin si Mikee.

Hindi ako makapaniwala na tinawag niyang kuya si Mikee. Akala ko hindi sila related dahil hindi naman sila magkapareho ng apelyido.

Rios si Mikee at Garcia naman si Casey.

Hindi kaya... Half siblings sila?

Bakit ganun na lang katindi ang galit ni Casey sa kanya?

"Do I look happy?" Ramdam ko ang panginginig ng katawan ko sa tinugon niya.

Hindi ko maintindihan kong gaano kadilim na awra ang bumabalot sa paligid dahil sa kanya. Tiningnan ko si Zara na ngayon ay hindi na rin makatayo dahil sa pressure na dinadala ng dalawa.

"Bakit? Diba masaya ka nang pinatay mo ang mama ko?" Ang kaninang nakapikon niyang tingin ay biglang binago ng galit.

Nagsitindig ang mga balahibo ko ng bigla siyang nilapitan ni Mikee.

Anong gagawin ko? Gusto ko man silang pigilan pero hindi gumagalaw ang mga paa ko! At wala rin akong sapat na lakas ganun din si Zara para pigilan silang dalawa.

"Bakit? Masaya ka rin ba nang pinatay mo ang ate ko? Alam kong gusto mong maghiganti sa akin pero dinamay mo ang inosenteng tao," lalong tumaas ang tensyon sa pagitan nilang dalawa.

Tuluyan na ngang bumagsak ang ulan sa makapal na ulap na bumabalot sa paligid.

"Dahil kasalanan mo lahat!!" Hindi na nakapagtimpi si Casey at sinugod niya si Mikee na nanatiling kalmado. Unang suntok ay hindi kaagad natamaan ni Casey si Mikee.

Sunod-sunod ang pagsuntok ni Casey ganun din ang pag-atras at pag-ilag ni Mikee sa mga tira niya. Parang ayaw ni Mikee na saktan at labanan siya.

Napatigil si Casey ng maramdaman niyang hindi man lang siya kinokontra-atake.

"Don't lose my temper!" Galit na galit na sigaw ni Casey sa kanya. Kahit ang kapal ng mga patak ng ulan ay kita ko ang nag-iigting at nagtataning na ugat ni Casey sa leeg niya.

Ba't ganun na lang ang galit niya kay Mikee, habang si Mikee ay hindi man lang magawang saktan siya?

"Ayokong gawin 'to, pero sinusubok mo ako," lalo akong gininaw sa narinig ko kay Mikee.

Shit! Ang bilis magpalit ng expression ng mukha niya. Ang kaninang kalmado ay bigla na lang naging blangko. Mukhang napikon na siya kay Casey.

"I don't care," muling sinugod ni Casey si Mikee pero mabilis na tumalon si Mikee at sinentrong sinipa ang panga niya.

'Thug'

Napahawak ako dibdib ko ng makita ang nakahandusay at walang malay na katawan ni Casey sa basang cemento.

"Shit!" Hindi ko maiwasang mapamura sa nakita ko. Ang bilis ng pangyayari! Hindi pa ako kumurap pero nawalan agad ng malay si Casey.

Naawa ako sa sitwasyon ni Casey pero hindi ko siya pwedeng lapitan. Masisira ang plano namin kapag nalaman nilang kilala ko siya.

Hindi ko na napigilan ang pagluha ko, mabuti na lang at patuloy ang pagbuhos ng ulan kaya hindi halata ang nangingilid kong luha.

Umiiyak ako sa sobrang galit na nararamdaman ko pero hindi ko pwedeng ipalabas. Habang nakikita ko si Casey na walang malay mas lalo akong desperadong maghiganti.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now