Chapter 5 - Casey's Plan

9 0 0
                                    

Tumungo kami ni Casey sa headquarters ng Black Horizon. Naamoy ko na naman ang mabahong sigarilyo na umuusbong sa silid. Halos maubo ako sa makapal na usok na nasa paligid namin.

Dumeretso kami sa conference at umupo ako sa tapat ng mesa ganun din siya.

"It's not safe for us to meet somewhere else. Kaya dito na lang muna tayo magkita. I'll already gave you my number kaya pwede mo kong tawagan kapag may problema," paliwanag niya sa akin. " I don't want to entertain anything that out of the business, so take this seriously," sabi niya sabay taas ng kilay.

Tumango lang ako sa kanya at hindi na sumagot pa.

Gulong-gulo pa rin ang isip ko sa sinabi ni Rye sa akin. Hindi ko talaga maipaliwanag ang nararamdaman ko ng oras na 'yon. Hindi ko alam kong natutuwa ba ako, nakikilig o natatakot.

Ang saya lang kasi iniisip niya ako.

"Hoy! Nakikinig ka ba?" Bumalik ang wisyo ko sa realidad ng tapikin niya ang noo ko.

"Sorry."

"Anong nangyari?" Tanong niya at sabik na marinig ang sagot ko.

"Nakilala ko na si Neon kagabi, magagamit ko siya para makapasok ako sa City Renegades," sagot ko.

"Hindi pwede si Neon. Masyado malakas ang pang-amoy ng isang iyon. Baka nga may hinala na siya sa iyo eih."

"Eih sino?"

Hinihintay ko siyang sumagot pero ilang segundo pa siyang napaisip bago umimik, "si Rye na lang."

"What!? Ayoko!" Pagmamatigas ko sa kanya. Hindi ko siya kayang harapin. Kagabi pa lang nga hindi ko na maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"Sige, itigil na natin 'to habang maaga pa." Kinuha niya ang kontrata sa desk table at aakmang pupunitin.

"Si Neon na lang kasi, kaibigan ko naman ang kapatid niyang si Fiona eih." Pagtatalo ko sa kanya kaya hindi niya natuloy punitin ang kontrata. "Sisiguraduhin kong hindi niya ako paghihinalaan. Tsaka, kayo ba ang may pakanang kumidnap kay Fiona kagabi?" Deretso kong tanong.

"Wala kaming dahilan para kidnappin si Fiona pero ngayon. " Huminto siya at tumingin ng deretso sa mga mata ko. "May naisip akong plano," sabay ngisi ng nakakaloko.

....

Nagdadalawang isip ako kong susundin ko ba ang plano ni Casey. Masyadong delikado, pero hiniling ko naman 'to. Bago ako pumasok sa mundong 'to alam ko na ang kakahantungan ko.

Tinatahak ko ang landas papunta sa classroom ni Fiona. Ang bigat ng mga paa ko dahil sa konsensyang dala ko.

Napabuntong hininga na lang ako at pinilit na isipin na magiging maganda ang mangyayari. Ayokong may mangyaring masama sa amin ni Fiona. Sa ngayon, ang dami ko pang gagawin at mga plano kaya huwag muna.

Napaatras ako at tumalikod ng makita si Rye sa malayo. Naglalakad siya papunta sa kinaroroonan ko, kasama ang girlfriend niyang nag-eskandalo sa amin kagabi.

Habang hindi niya pa ako napapansin ay pumasok ako sa malapit na classroom upang magtago mabuti na lang at walang tao sa silid na 'to.

Ayokong makita siya. Parang atatakihin ako sa puso kapag nakikita ko siya.

Sumandal ako sa pader at pinakalma ang naghahabol kong hininga. Sinubukan kong sumilip sa pintuan baka nakalampas na sila.

"Huh?" Napahawak ako sa dibdib ko ng makita siya sa harapan ko. Shit! Dito ba siya pupunta?

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na gulat niyang tanong sa akin habang kunot-noong nakatingin sa akin ang babae.

"Ikaw ba? Anong ginagawa mo dito?" Balik ko sa kanya ng tanong para siya naman ang ma hotseat.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now