Chapter 7 - Cold Hearted

9 0 0
                                    

Sinapo ko ang sintido ko dahil nakaramdam ako ng konting pagkahilo. Hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaisip ng nangyari kagabi.

"Bat gusto mong sumali sa City Renegades? Ano bang tingin mo sa City Renegades? Isang ordinaryong grupo? Hindi biro 'yang hinihingi mo Abby, bago ka pumasok sa isang bagay dapat alam mo kong anong kahihinatnan mo. Hindi basta-basta ang Ciren. Iyong nakita mo kanina, mas sobra pa jan ang masasaksihan mo."

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ni Rye kagabi at ang galit sa mga mata niya habang binubogbog si Jovert.

Grabe siya. Hindi ko na talaga siya kilala.

Lumabas ako ng kwarto at uminom ng tubig para marelax ang katawan ko. Mabuti na lang at wala akong pasok ngayon kaya makakapagpahinga ako.

"Goodmorning nak. Tara kain tayo." Bungad ni mama sa akin. Abala siya sa paglagay ng pagkain sa mesa at mukhang kakatapos niya lang maligo at magbihis ng uniform niya sa trabaho.

"Wala akong gana."

"Naku, mangangayayat ka niyan. Tama na yang pagda-diet mo okey? Sexy ka na, hindi na kailangan magpagutom."

"May sinabi ba akong nagdadiet ako?" Tumahimik siya sa inasta ko. Kumuha na lang siya ng ulam at nilagay sa mesa.

Ngumiti siya ng makita akong umupo at kumuha ng plato. Nagutom ako bigla ng makita ang ulam.

"Nga pala nak, meron akong goodnews sayo," galak niyang sabi.

Patuloy lang ako sa pag-nguya at hindi siya pinansin.

"Napromote na ako! Manager na ang mama mo!"

"Congrats," tipid kong sagot at patuloy pa rin sa pagkain.

"Kaso..." Bigla itong nalungkot. "Kailangan kong umattend ng seminar sa Cebu. Dalawang lingo kami doon kasama ang supervisor at manager ng iba't-ibang branch. Hindi na lang siguro ako aalis, kasi wala kang kasama dito. Baka kong ano pang mangyari sayo."

"Malaki na ako. Kaya ko na ang sarili ko."

"Pero nak, mag,-isa ka lang dito. Paano kong pasukin ka ng mga masasamang loob?"

"Kaya ko na, nakayanan ko nga ang ilang taon na nasa abroad ka, ngayon pa kaya na dalawang linggo lang? Tsaka pwede ba? Huwag kang nang magpaka-ina sa akin? Hindi ko na kailangan niyan." Tumayo ako at hindi na tinapos ang pagkain ko.

Ayoko siyang maka-usap. Ayokong makita ang mukha niyang nasasaktan dahil sa mga sinabi ko.

Naagaw ang aking atensyon ng may nagdoorbell sa gate. Lumabas ako ng bahay, napanganga ako ng makita ang naiinip niyang mukha at ang magulo nitong buhok. Buti naman at hindi siya nakasuot ng headphone ngayon.

"Oh? Ba't nandito ka? Paano mo nalaman ang bahay ko?" Deretso kong tanong sa kanya.

"I have connections and I know everything. Hindi mo man lang ba ako papapasukin? Ang init kaya dito sa labas."

Inirapan ko siya at binuksan ang gate.

Sabay kaming pumasok ng bahay. Nagulat si mama ng makita siya kaya pinakilala ko kaagad baka isipin niya na boyfriend ko siya.

"Gusto mo ba ng maiinom?" Alok ni mama sa kanya.

"Huwag na po, may gusto lang po akong idiscuss kay Gail." Magalang niyang sagot sabay ngiti.

"Ahh sige, maiwan ko na kayo ha."

Tuluyan ng umalis si mama para pumasok sa trabaho at iniwan kaming dalawa sa sala.

Hinihintay kong magsalita siya pero ilang segundo siyang natahimik.

"Anong kailangan mo?" Ako na lang ang bumasag ng katahimikan.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now