Chapter 20 - Causation

0 0 0
                                    

Naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Pabiro niya itong sinabi pero alam kong may laman 'yon.

Seryoso niyang tingin sa akin bago ako tinalikuran.

Huminga ako ng maluwag ng makita siyang palayo na sa kinaroroonan ko.

Hays. Muntik na ako dun ah.

Hinila palabas ng ilang myembro ang katawan ni Vincent, nagmantsa pa ang dugo nito sa sahig.

Saan nila dadalhin ang bangkay ni Vincent?

Anong gagawin nila?

Sinulyapan ko si Casey. Seryoso siyang nakatingin sa akin at senenyasan ako na lapitan siya.

Sasabihin ko ba sa kanya na alam na ni Rye?

Natatakot ako sa pwede niyang gawin, baka magaya din ako kay Vincent.

Pumasok kami sa conference room. Bumuntong hininga ako ng makita ko si Gino na nakaupo sa upuan. Mabuti naman at nandito si Gino, atleast may magtatanggol sa akin kapag nabadtrip si Casey sa sasabihin ko.

"Abby, kailangan na nating mag-isip ng ibang plano. Naiinip na si Jacob sa kakahintay sa atin."  Umupo siya sa desk at sumandal para makapag-isip.

"May progress naman ang plano natin eih. Yon nga lang hindi ganoon kalinis." Gino.

"Anong progress!? Wala tayong progress, palpak nga lahat eih." Inis na sabi ni Casey. Mukhang badtrip na naman siya. Nagdadalawang isip tuloy ako kong sasabihin ko ba.

"Eih syempre napakulong natin si Zara diba? Tapos muntik na rin nating mapatay si Drake. Unti-unti nang gumuguho ang Ciren." Pangatwiran ni Gino.

"Pero hindi pa rin 'yon sapat. Ang plano ay patayin si Drake hindi yong bigyan lang siya ng kakarampot na sugat. Sigurado akong sinisisi na nila ang Red Phyton ngayon."

"Ahhmmm... Sa tingin ko may duda na sila kay Vincent." Singit ko sa usapan nila at sabay silang napatingin sa akin.

"Possible 'yon. Buti na lang at wala na tayong koneksyon kay Vincent dahil wala na siya. Iisipin na lang nila na dahil sa selos at inggit 'yon." Gino.

"Hindi pa rin, kailangan pa rin natin mag-ingat lalo ka na Abby. Masyado nang mainit ang dugo ni Neon sayo," babala ni Casey.

"Yon nga eih." Yumuko ako at kinuyom ang mga palad ko. Nagdadalawang isip ako kong ipapaalam ko ba.

"Edi iligpit na rin natin si Neon." Gino.

"Hindi, mas lalong magdududa si Mikee sa kanya."

"Ahmmm... Ma—may sa-sabihin pala ako." Pautal-utal kong sabi.

Kailangan ko nang sabihin kay Casey. Alam kong sasaktan niya ako at papagalitan pero hindi ko na alam kong saan ako lulugar kapag nalaman ni Mikee na isa akong Black Horizon.

"Ano!?" Bumalik sa wisyo ang utak ko ng sumigaw si Casey.

"Na—nalaman na ni Rye na isa akong Black Horizon."

"Ano!!??" Sabay nilang reaksyon. Sabi ko na nga ba eih.

"Paano niya nalaman? Alam na ba ni Mikee?" Sunod-sunod na tanong ni Gino.

"Hindi ko alam," sagot ko.

Nanatiling tahimik si Casey, hinawakan niya ang noo niya para masahiin ito. Mas lalo siyang nabahala sa mga sinabi ko.

"Patay tayo kapag nalaman ni Jacob at Mikee 'to. Maiipit tayo sa pagitan ng dalawang pader." Nag-aalalang sabi ni Gino.

"I'm sorry," sambit ko.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now