Chapter 32 - Big Brother

0 0 0
                                    

Nagising ako sa mahinang yapak sa labas ng kwarto. Ipinikit ko ang aking mga mata para magkunwaring natutulog kahit hindi ako makatulog sa sobrang gutom at pag-aalala sa mama ko.

Itinago ko ang nakagapos kong kamay at bumaloktot ng higa sa malamig na semento. Hindi ako makagalaw ng maayos, sa tuwing gagalaw ako ay siya namang paghigpit ng posas sa kamay ko.

Palapit ng palapit ang mga yapak papasok sa loob ng silid. Sumilip ako ng konti ng marinig ang pagtigil nito.

"Abby?" Mahina niyang tawag sa akin.

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko bago siya kausapin. "Anong ginagawa mo dito?" Halos pabulong kong tanong sa kanya.

"Diba ako dapat ang magtanong sayo niyan?" Nag-aalala niyang tanong at tinulungan akong umupo. "Ano bang nangyari? At bakit bogbog sarado si Oliver?"

"Kamusta siya?" Hindi ko maiwasang hindi mag-aalala pagkatapos ng ginawa niyang pagtulong sa akin.

"Okey na siya, ginamot ko na ang sugat at pasa niya. Ano ba talagang nangyari?"

Hinintay niyang sumagot ako pero nag-aalangan akong sabihin sa kanya ang lahat. Kaibigan ko si Fiona pero kalaban ko siya.

"It's okey, you can tell me everything." Sabi niya ng nakangiti na parang binibigyan niya ako ng assurance na pagkatiwalaan siya.

"Hindi mo magugustuhan ang sasabihin ko." Babala ko sa kanya.

"Eih ano naman ngayon? Gusto kong marinig lahat ng sabihin mo." Mas lalo siyang naging interesado sa sasabihin ko.

Napakainosente niya talaga, hindi niya deserve saktan pero nagawa ko paring gamitin siya para lang sirain ang City Renegades at makapaghiganti.

Hindi pa ako nakakapagsalita ay nanggigilid na ang luha sa mga mata ko. Ewan, nakaramdam ako ng konsensya sa lahat ng ginawa ko, kahit hindi naman dapat.

"I'm sorry Fiona." Mahina kong bigkas. Sinubukan kong maging matibay sa harap niya at sabihin lahat ng pwede niyang malaman. "Isa akong Black Horizon."
Nanlaki ang mga mata niyang nakatingin sa akin.
"Isa ako sa mga nagtangka sa buhay mo, ginamit kita para mas mapalapit ako kay Neon at Rye. Ginamit kita para sirain ang City Renegades at makapaghiganti." Wala na, nasabi ko na sa kanya.

Hindi siya makapagsalita sa mga sinabi ko. Hindi niya alam kong ano ang isasagot niya sa akin.

Hindi ko siya masisi kong sasaktan niya ako. Tama lang sa akin 'to kasi dinamay ko siya sa baloktot na plano ko.

"Hindi totoo yan." Iling niyang sabi. Hindi pa rin siya naniwala sa mga sinabi ko. "Ba't mo ako gagamitin eih wala akong alam tungkol sa City Renegades?"

"Wala kang alam, pero si Neon meron. Ginamit ko ang pagkakaibigan natin para lang maghiganti sa pagkawala ng kuya ko."

"Pagkawala ng kuya mo?" Kunot noo niyang tanong sa akin.

"Si kuya Argus. Dalawang taon na siyang patay dahil pinatay siya ng City Renegades. Wala pa akong malakas na ibedensya kung sino sa kanila pero malakas ang kutob ko na si Mikee yon."

"Si Argus? Ang bestfriend ni ate Akari?"

"Bestfriend?" Napatingin ako sa kanya ng may pagtataka.

"Madalas sa bahay noon si ate Akari kaya nakwekwento niya sa akin si Argus. Now, it make sense. Possible ngang si Mikee ang pumatay sa kuya mo." Paliwanag niya.

"Anong ibig mong sabihin? Anong nalalaman mo?"

"Si ate Akari ay kapatid ni Mikee."

"Kapatid!?"

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now