Chapter 15 - Unconditional Love

2 0 0
                                    

Zara P.O.V.

Flashback

Simula ng iniwan ako ni mama sa isang orphanage, palagi na lang pagdudusa ang araw ko dahil sa mga batang bully at mga mapagpintas naming tagapangalaga.

Sa murang edad, hindi ko naramdaman ang pagmamahal ng  isang pamilya, kapatid at kabigan.

Pero nagbago ang lahat ng nakilala ko si Drake.

*****

Naglikha ng ingay ang nagkapirasong plato na nahulog sa sahig.

Naramdaman  ko ang panlalamig at pagbilis ng tibok ng puso ko nang tiningnan ako ng madreng namamahala sa amin at alam ko na ang ibig-sabihin ng mga tingin niya.

"Zara! Halika nga dito!!"

Nanginginig ako sa takot habang papalapit sa kanya. Hinablot niya ako tsaka pinalo ng hawak niyang baston.

"Aray! Tama na po." Pagmamakaawa ko na halos lumuhod ako sa sakit na nararamdaman ng binti ko.

"Pasaway ka talagang bata ka!! Palagi mo na lang binabasag ang plato!! Pareho lang kayo ng walang kwenta mong ina!"

"Tama na po." Hindi ko napigilang umiyak. Sa murang edad ay wala pa akong kakayahang ipaglaban ang sarili ko.

"Hindi ka kakain ngayon!" Hinila niya ako papunta sa isang madilim at maduming kwarto.

"Huwag po! Ayoko po dito." Sinubukan kong magmakawa ulit dahil sa takot na makulong sa madilim at maruming kwarto.

Pero kahit anong pagmamakaawa ko ay hindi niya dininig, sa halip ay inihagis niya pa ako sa loob bago kinandado ang pintuan.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko sa loob ng madilim na kwarto.
Domoble ang takot ko ng may narinig akong kalabog sa pintuan.

"Hoy! Anong ginagawa mo jan?"

Kumalma ako ng marinig ang boses ng isang batang lalaki. Hindi ko na lang siya pinansin.

"Ikinulong ka ba?" Tanong niya at hindi ko na naman siya sinagot. Nayamot siguro siya kaya naisipan niyang tumakbo paalis.

Maya-maya lang ay bumalik siya at sinubukang kulikutin ang doorknob hanggang sa bumukas ang pinto.

Mabilis niya akong nilapitan at inilahad ang kamay niya.

"Ako nga pala si Drake Salazar. Tara! Tumakas na tayo habang wala pa sila," anyaya niya sa akin at hindi ako nagdalawang isip na hawakan ang kamay niya.

Tulad ko, ulila rin siya. Pareho kaming may masakit at hindi katanggap-tanggap na nakaraan kaya naging magkasundo kami sa lahat ng bagay.

Simula noon palagi na kaming magkasama at kapag gumawa kami ng kalokohan ay pareho din kaming pinaparusahan. Para kaming magkapatid na kahit naiiyak siya sa sakit ay pinilit niyang tumawa para lang mapasaya ako.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now