Chapter 40 - Sweet like lollipop

7 1 1
                                    

Malalim na ang gabi pero wala parin kaming planong umuwi.

Tahimik na kumakain ng lollipop si Mikee habang nakatingin siya sa malayo. May pakialam parin siya kay Casey kahit sobra siyang kinamumuhian nito

Naalala ko tuloy ang away nilang dalawa kong saan sinabi nila lahat ng hinanakit nila sa isa't-isa.

Mabuti at nagpaka-kuya parin siya sa kapatid niya.

"I don't want to commit the same mistake again. Ayokong may mawala ulit sa akin dahil lang sa kapabayaan ko." Palihim ko siyang tinitigan habang nakatingin siya sa malayo at nilalaro ang kinakain niyang lollipop.

Hindi man niya sabihin pero alam kong nalulungkot siya. Alam kong nasasaktan parin siya sa nangyayari.

"Ganito yata kapag malakas ka. Mas lalo kang pinapahirapan." Humugot siya ng malalim na hininga bago nagsalita ulit."Gusto kong lang naman na maging masaya kasama ang Ciren at ang pamilya ko, pero kahit ganito kasimple ang pangarap ko, ang hirap paring abutin." Tinapon niya ang stick ng naubos niyang lollipop.

Nagkatapat ang aming paningin at ang kaninang lungkot ay napalitan ng matamis niyang ngiti.

Niyakap ko ang aking sarili dahil sa sobrang lamig na ng paligid.

Nagulat ako ng bigla niyang hinubad ang suot niyang jacket at inabot sa akin. Nag-aalalangan pa akong tanggapin baka siya naman ang lamigin sa suot niyang puting t-shirt na manipis kaya kita tuloy ang hubog ng katawan niya.

Maliit lang siya pero ang lakas niya at kakaiba siya sa lahat. Ngayon ko lang napagtanto na ang swerte ng mga kaibigan niya, ang swerte ng taong malapit sa kanya dahil may kaibigan silang malakas at hindi sila pinapababayaan.

"Gusto mo bang hawakan ang abs ko?" Namula ang pisngi ko ng bigla siyang tumingin sa akin at binigyan ako ng nakakaasar niyang ngiti. Dumagdag pa ang magulo niyang buhok na sumasabay sa hangin.

"Assuming." Pagtataray ko at umiwas agad ako ng tingin baka mahalata niyang namumula ako, mas lalo niya lang akong aasarin. Hinablot ko ang kanyang jacket at mabilis na sinuot.

"Haha ang cute mo talaga." Mahina siyang tumuwa para asarin ako.

Sa wakas ay uminit na rin ang pakiramdam ko. Nalanghap ko ang halimuyak ng gamit niyang pabango kaya mas lalo kong sinaklob ang jacket niya.

"Salamat." Halos pabulong kong sabi sa kanya at yumuko ulit para iwasan ang kanyang mga tingin. "Salamat sa lahat. Kahit ako ang dahilan ng pagkawasak ng Ciren, niligtas mo parin ako." Pansin ko ang nanginginig kong boses.

"Bilang lider, obligasyon kong protektahan ang mga myembro ko." Sabi niya sa akin at tiningnan ako sa mga mata.

"Pero trinaidor ko kayo. Kung hindi sana ako nagpadala sa emosyon ko, hindi sana hahantong sa ganito." Tuluyan na ngang bumagsak ang luha ko pero hindi ko pinahalata sa kanya. Ayokong makita niya akong ganito.

Tumabi siya sa akin at nagulat ako ng bigla niyang inangat ang aking baba at itinapat ang mga mata niya sa akin. Hindi ko tuloy naitago ang mga luha ko.

"Shhh... Okey lang, kong sa akin nangyari iyon baka marami na akong pinatay." Marahan niyang pinunasan ang luha sa pisngi ko at binigyan ako ng matamis na ngiti.

"Pasensya na." Yumuko ako. Hindi ko kayang tumingin ng deretso sa kanya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Dinamay ko siya at ang ibang tao para lang sa makasarili kong mithiin pagkatapos hindi rin naman pala sila sangkot sa pagkamatay ng kuya ko.

"May kasalanan din ako, kaya kalimutan na natin iyon. Okey?" Nagulat ako ng marahan niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ako umangal at mas hinigpitan ko ang kapit sa kamay niya at sinakop bawat ispasyo ng daliri niya. Ang lambot at ang init ng kamay niya.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now