Chapter 36 - Regrets (Part I)

0 0 0
                                    

Casey's POV (side story)

Halos magdadalawang buwan na ng inilibing si mama, mag-isa na lang akong tumitira sa inuupahan naming bahay. Naisipan kong tumigil na rin sa pag-aaral dahil kailangan kong magtrabaho para mabuhay ang sarili ko.

Dalawang buwan na pero hindi parin naisip ng magaling kong ama na bisitahin si mama kahit sa burol nito.

Masaya siya sa kabilang pamilya, habang ako, nagdudurusa.

Inis kong hinagis ang isang bote ng beer at muling kumuha ng tagay. Ganito palagi ang ginagawa ko. Wala na akong rason para mag-isip ng magandang kinabukasan sa sarili ko.

Deretso kong ininom ang bagong bukas na bote, medyo may amats na rin ako kaya tumihaya ako sa upuan ng biglang may kumatok at tumawag sa pangalan ko.

"Hoy! Casey! Buksan mo tong pinto!" Sigaw niya sabay pamamaktol sa pintuan ko. "Ikaw talagang bata ka! Umiinom ka na naman ba!?"

"Teka lang!" Walang tigil siya sa pagsisigaw at pagmamaktol sa pintuan.
Pinilit kong tumayo, kahit nahihilo ako ay nakarating parin ako sa pintuan at agad na binuksan ito.

Bumungad sa akin ang salubong na kilay ng aming landlady, si Aling Trina. Nakalimutan ko, magdadalawang buwan na pala akong hindi nagbabayad ng upa sa bahay.

"Ano!? Ha!? May pambayad ka na? Ilang palugit na ang binigay ko sayo iho! Luging-lugi na ako sa kakapalugit ko sayo! Naintindihan ko naman ang sitwasyon mo, pero intindihin mo rin ang sitwasyon ko. Ang mahal-mahal ng kuryente at tubig ngayon tapos dadagdag ka pa!?" Halos mahighblood na siya sa mahaba niyang sermon sa akin.

"Pasensya na po, wala pa po kasi akong trabaho kaya wala—"

"Paano ka naman kasi magkakaroon ng trabaho eih puro inom ang inaatupag mo!? Kung wala kang maibibigay sa akin ngayon, umalis ka na rito! Humanap ka ng ibang mauupahan!"

"Po? Pero Aling Trina, magbabayad naman po ako kapag nakapagtrabaho na ako. Pangako pagnakahanap po ako bukas triple po ang ibabayad ko sa inyo."

"Hindi! Sawa na akong marinig yang pangako mo! Umalis ka na dito kong ayaw mong tumawag pa ako ng tanod o pulis!"

"Paki-usap po—"

"Tumigil ka! Dapat pagbalik ko dito hindi na kita makikita!" Turo niya sa akin ng may pagbabanta tsaka siya lumisan.

Napakamot na lang ako ng batok, parang nawala ang pagka-hilo ko dahil sa matandang yon.

Wala na akong nagawa kundi maghakot ng aking mga gamit. Pinagbabasag ko ang bote ng beer sa sahig, kinalat ko ang bobog nito sa sahig at pinutol ko rin lahat ng wirings at koneksyon ng tubig.

City Renegades (Revenge)Where stories live. Discover now