Chapter 21 - Hesitation

1 0 0
                                    

Naiwan kami ni Rye sa police station dahil naunang pumunta si Mikee sa crime scene. Ipinasok na rin si Zara sa loob dahil tapos na ang oras nang pakikipag-usap namin sa kanya at mukhang badtrip pa siya dahil sa nalaman niya.

Tahimik akong sumunod kay Rye palabas, wala akong choice kundi umayon sa lalaking 'to.

"May alam ka dito diba?" Kahit nakatalikod siya sa akin ay nilalamig ako sa sinabi niya.

Kinuyom ko ang mga kamay ko para humugot ng lakas ng loob. Alam na niya ang lahat pero bakit wala siyang pinagsasabihan?

"Wala." Tanggi ko. Hindi na ako nagpaliwanag dahil magmumukha lang akong tanga. Ang importante, hindi pa rin ako aamin.

"Hayss. Ba't pa ba kita tinatanong." Inis niyang bulong sa sarili niya.

"Ba't hindi mo sinabi kay Mikee ang lahat? Kung alam mo naman pala." Tanong ko ng may paghahamon na tono.

Anong bang binabalak niya?

"Humahanap pa ako ng magandang timing. Sa ngayon, umakto ka munang parte ka pa ng grupo habang natitimpi ko pa ang sarili ko." Hindi ako makapaniwala sa sagot niya.

Anong timing? Anong balak niyang gawin?

Mas lalo akong natakot sa sinabi niya dahil kahit anong oras pwede niya akong ilalaglag.

Tama si Casey, kailangan ko na siyang tapusin.

*****

Pumasok kami sa loob ng headquarters, sumama pa rin ako kay Rye kahit alam kong delikado ako. Saktong andoon si Yohan na abala sa pag decode at paghack ng security system ng Fun Mall kung saan natagpuan ang bangkay ni Vincent.

Maya-maya ay biglang dumating si Neon. Ako kaagad ang nakita niya pero hindi niya ako pinansin at dumeretso siya kay Yohan.

"Gamitin mo 'to." Binigay niya kay Yohan ang isang hard drive.

"Huh? Paano mo nakuha 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ni Yohan.

"Ako lang 'to." Pagmamayabang niya.

"Hanep! Iba talaga kapag malakas ang kapit sa batas." Puri ni Neon.

Nakalimutan ko na si Neon pala ang taga-linis at bala ng Ciren sa batas.

Isa ba siya sa pumipigil sa kaso ni kuya?

Inoperate ni Yohan ang screen at ini-play ang kuha ng CCTV.

"Ayon! Ibalik mo." Sabi ni Rye.

Inireverse niya ang eksena sa pagitan ng oras na 5:15 hanggang 5:45 ng hapon.

Inabangan namin ang eksena hanggang mahagip ng camera ang isang itim na kotseng pumarada. Lumabas ang isang lalaking may dalang garbage bag. Nakasuot siya ng jacket na itim, pantalon na itim, nakaface-mask at sumbrero kaya hindi mahagip ng camera ang mukha niya. Nahirapan pa siyang buhatin ang dala niyang garbage bag.

Nilagay niya ito sa tabi ng basurahan at mabilis na pumasok sa kotse tsaka umalis.

"Sino kaya siya?" Nagtatakang tanong ni Yohan. Kahit nga ako hindi ko alam kong sino sa Black Horizon iyon.

"Isa siya sa mga kasabwat ni Vincent sa planong patayin si Drake." Rye.

"Ba't niya naman pinatay si Vincent kong magkakampi sila?" Yohan.

"Dahil hindi namatay si Drake kaya niya pinatay si Vincent kesa ilaglag siya nito. Sa ngayon, pinapalakad ko pa kay Rendo ang kaso. Kailangan muna nating maghintay." Kalmadong paliwanag ni Neon.

"Ang brutal. Sino namang gagawa nito? Ang Red Phyton ba?" Yohan.

"Hindi. Black Horizon." Namutla ako sa sinagot ni Rye. Mukhang ipinapahiwatig na niya ang nalalaman niya.

City Renegades (Revenge)Kde žijí příběhy. Začni objevovat