Chapter 36

620 2 1
                                    

CHAPTER 36





"Baby, Tito Henry has a lot of things to do. We can't disturb him, okay?" Gusto niya pa sanang sumama kay Henry.

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kamay ni Erin habang papasok kami ng bahay ampunan. The social workers welcomed us as well as the kids. Malapad ang ngiti ni Erin na kumakaway sa mga bata na kinakawayan din siya.

"Mommy, do I get to play with them later?"

Tumango ako at ngumiti. "Of course, Anak. Just be careful, okay?"

Iginiya kami ng isang babae sa isang round table. Hinarap ko ang upuan sa stage at naka kandong lang sa akin si Erin habang pinapanood namin ang mga bata na magperform. Sa likod ko ay si Henry at kasama naman namin sa lamesa ang iba pang kakilala ni Henrico, ilang investors at partners niya sa negosyo. Habang ang iba naman ay nasa ibang lamesa na.

Sunod na agenda naman ay ang pag kain na. Inutusan ako ni Henrico na tumulong sa pagdi distribute ng mga pagkain sa mga bata at nag aalangan pa ako nang tawagin niya si Erin at masaya namang lumapit ang anak ko sa kanya.

Wala na akong nagawa kundi ang sundin ang inutos niya, pero habang namimigay ay napapatingin ako sa mag ama. Nakangiti si Henrico na nilalaro si Erin, at ang anak ko naman ay halos sumingkit na ang mga mata katatawa.

Pasimple kong nilabas ang cellphone ko at palihim silang kinuhanan ng litrato. Pagkatapos ay pinagpatuloy ko na ang pamimigay ng pagkain. Nang matapos na ako ay kumuha naman ako ng tatlo para sa akin, kay Erin, at kay Henry.

Tumikhim ako nang nilapag ko ang kay Henry at bumaba naman si Erin sa kanya para kumandong na ulit sa akin. Binuksan ko ang pagkain ni Erin at hinalo ang spaghetti noon para sa kanya. Hinimay himay ko na rin muna ang manok para hindi na siya mahirapan sa pag kain.

"Really, Tito Henry? You used to catch fishes before?" Tanong ni Erin bago sumandok ng spaghetti at isubo.

"Yup! We also sell the fishes we caught in the market." May maliit na ngiting binigay si Henry kay Erin bago ako tingnan. "And your Mommy once helped us sell seafood, too."

"That's cool! Mommy, I wanna try catching fishes, also!"

Ngumiti ako nang tipid sa kanya. "When you get a little older, we'll try that, alright?"

Tumango tango si Erin at kinamay niya na ang manok. "Tito Henry, do you like playing basketball? Dada Noah loves basketball. He always beats Mommy when they play."

"Hmm... I don't play basketball, Erin. Although, I love swimming."

"Me, too! I love the beach, Tito Henry. But Mommy doesn't let me swim without Tito Apollo or Tito Helios, and without floaters."

"Your Mommy is right about that. You might drown, like what happened last time?"

Inabot ni Erin ang baso pero bago pa niya mahawakan iyon ay kinuha na ni Henrico at siya ang nagpa inom kay Erin.

"Thank you, Tito Henry!"

I don't know how I controlled my tears and my emotions during lunch. Ang makitang sobrang kumportable ni Henrico at Erin sa isa't isa ay nakaka panlambot at the same time, parang sasabog na rin ang puso ko, sa pinaghalong sakit at tuwa.

Pagkatapos kumain ay may mga mascot at magicians na nagperform, at sobra sobra ang saya ni Erin. Tumitili pa siya at napapa palakpak. Nang magtanong ang isang magician kung sino ang gustong mag participate, agad na nakawala si Erin sa akin pero may social worker ang lumapit sa kanya kaya napanatag naman ako.

"Selene..." tawag ni Henrico sa akin mula sa likod na naging dahilan ng pagpikit ko.

Huminga ako nang malalim bago ko siya nilingon. "Sir?"

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now