Chapter 17

584 6 6
                                    

CHAPTER 17





Nagising ako dahil sa kaluskos na naririnig ko sa kwarto. Nilingon ko iyon at nakita si Henrico na nakatapis ng tuwalya sa baywang, nakatalikod sa akin at kumukuha ng damit sa cabinet. His hair is wet and it's dripping on his ripped back.

Umupo ako patagilid at itinukod ang kamay sa kama para sa suportahan ang bigat ko, namumungay pa yata ang mga mata dahil kagigising ko lang.

"Love..." namamaos na sabi ko.

Agad niya akong nilingon at ngumiting lumapit sa akin. "Good morning, Mahal..." he greeted me and planted a kiss on my lips.

"Saan ka pupunta? May pasok ka ba? Ang aga aga pa, ha?" Hinawi ko ang kurtina at madilim pa sa labas.

"Tutulong kay Papa na mamalengke, Mahal. Pagkatapos nito ay diretso na rin ako sa school sa hapon, tapos sa gabi naman ang shift ko sa hotel."

"Hmm..." Tumango tango ako.

"Gusto mo ba munang maligo bago kita ihatid sa hotel?"

"Ligo? Wala naman akong panties dito. Wala akong masusuot."

Tumayo siya mula sa kama at may hinalungkat sa cabinet. Isang black lacey panty.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Bakit may ganyan ka? Sa babae mo ba 'yan o sa ex?"

"Sa'yo ito. Hindi ba noong pumunta kayo sa club, may nangyari doon sa puno? Hinubad ko itong panty mo at ibinulsa. Hindi ko lang nabigay sa'yo pagka laba ko dahil nalimutan ko." Inabot niya sa akin. "Sa'yo ito at walang iba, wala ring ex."

Nakanguso akong tinanggap iyon. "Thanks."

Humalakhak siya at tinanggal ang tapis sa baywang niya. Nakaboxer shorts naman siya.

"Ito na ang gamitin mong tuwalya," inabot din niya iyon sa akin.

"Thanks, Love!" Sabi ko at kinuha na iyon sa kanya. Kinuha ko na rin ang bra ko at ang playsuit at saka lumabas ng kwarto niya para pumasok sa banyo.

Habang naghuhubad ng damit, narinig ko pa ang boses ni Henrico. "Axton, naliligo si Selene, ha. Huwag ka munang papasok."

Walang shower sa banyo nila pero may timba na kalahati ang laman na tubig at may tabo na lumulutang doon. I opened the faucet at agad na napalayo nang maramdaman ng kamay ko ang malamig na tubig.

Hinintay kong mapuno muna iyon bago sumalok ng tubig.

"1...2...3..." Impit akong napasigaw nang binuhos ko na ang tubig sa akin.

Ginawa ko pa ulit iyon nang tatlong beses at nanginginig na naghanap ng shampoo. Ang una kong nakita ay ang kinuha ko. Inamoy ka pa muna iyon. Kaamoy ni Henrico!

Naglagay ako nang kaunti sa kamay at nilagay ko na rin sa buhok ko. Hindi pa rin matigil ang panginginig ko kaya binilisan ko na lang din ang mag-shampoo at magsabon ng katawan para isahang banlaw na lang at hindi ko na kinakaya ang lamig.

Nang mabanlawan ko na ang sarili ko ay kinuha ko na rin ang tuwalya pagkatapos at ibinalot sa akin. Una kong pinunasan ang buhok ko at sinunod ang katawan at ang mga binti, pagkatapos ay nagsuot na rin ng panties at bra. Tiniis ko ang lamig nang ibalot ko ang tuwalya sa buhok at sinunod naman ang playsuit.

Hindi na gaanong kalamig tulad ng kanina kaya kahit paano ay nahimasmasan na ako. Tinanggal ko na ulit ang tuwalya sa buhok at kinuskos iyon sa ulo ko habang pinapatay ang ilaw at lumabas na ng banyo.

"Selene, kape?" Bungad ni Axton sa akin at tinaas pa niya ang tasa.

I think I'll be needing that, napaka lamig!

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now