Chapter 10

665 6 0
                                    

CHAPTER 10



May alam na siya. Alam ko, may alam na siya. Siguro hindi ang sexcapades namin ni Henrico, but he knows something's going on between us. Otherwise, my suitor won't be uncomfortable that I'm with another man.

But does he have a say on who I want to be with or friends with?

I badly want to decline his courtship, but I don't know how. Baka rin may masabi siya kina Kuya kung tatanggihan ko ang panliligaw niya dahil parang kinumpirma ko nga na may namamagitan sa amin ni Henrico. Baka makaabot pa kay Mommy, and God knows what she'll do to Henrico.

Hindi ko namalayang nakatigil na pala kami sa tapat ng restaurant na sinasabi ni Henrico kung hindi ko pa narinig ang mga kaibigan ko na pababa na ng sasakyan.

"Sumama ka na sa amin sa lunch," sabi ko kay Henrico habang nagtatanggal ng seatbelt.

"Kayo na lang. Ayos lang ako rito."

"No, Henry. Sumabay ka na sa amin. Ako naman ang manlilibre, e."

"Iyon nga. Kasama na ako sa inyong magkakaibigan, libre mo pa."

I sighed. "Hindi ba, welcome din naman ako sa grupo niyo? Sa inyo nila Alice at Kylie! Sinasama niyo rin ako sa tambayan niyo sa Beach and Sands. Ano ang pagkakaiba noon sa pagwe-welcome namin sa'yo sa grupo namin?"

He showed a fake smile. "Magkaiba tayo ng estado sa buhay, Selene."

"I don't care about that and my friends also don't. Mabuti kang tao and that's what matters."

Umiling siya. "Hindi palagi."

"C'mon, Henry. It's just lunch! Please? Ayaw ko ring maiwan ka ritong mag-isa."

Bumuntong-hininga siya at tumango. He shut the engine off at sabay na rin kaming lumabas. My friends are talking to the waitress, then she led them to the table for six people.

Magkatabi si Hailey at Finn, and Cooper was about to sit in front of Hailey, when Sam sat first and she pointed the seat beside Finn.

"Selene, sit here. Henry, doon ka na sa tabi ni Selene," sabi ni Sam at kinindatan pa ako.

Binigyan kami ng waitress ng menu at habang namimili ng pagkain, nagtanong si Hailey kay Henry, "what food can you recommend for us?"

Tumikhim si Henry, "puro inihaw ang mga tinda rito at masasarap naman lahat. Itong pusit at tilapia ang palaging ino-order ng mga turista."

"Okay..." ani Hailey habang tinitingnan din ang pagkaing ni-recommend ni Henry sa menu. "Ate, we'll have three of this pusit, then... which of you wants the fish?"

"I'll have one," sabi ni Sam na sinundan ni Finn at Cooper, habang may isang waiter na naglalapag ng baso ng tubig sa mga harap namin.

When I got mine, sinimulan ko nang inumin dahil sa pagod at init ng panahon.

"Okay, five tilapia... Selene won't finish one naman, e. She only likes the head-"

Napaubo ako at agad naman ako binigyan ng tissue ni Henry. I keep coughing on the table napkin habang iniiwas ang tingin sa lahat.

Tumawa si Hailey at tinuloy ang sasabihin, "...so, makikihati na lang si Selene sa isda ng kung sino man. Then, one of this sinigang na hipon. Drinks, anyone?"

"Softdrink na lang, Hailey." Si Sam na hindi pa rin tapos sa pag ngiti.

"And six bottomless Coke, Ate."

Inulit ng waitress ang orders namin at binigyan kami ng fifteen minutes para ma-serve ang mga pagkain.

"You okay na, Sel?" Tanong ni Hailey nang makaalis na ang waitress.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now