Chapter 13

621 6 0
                                    

CHAPTER 13





Nagising ako dahil sa malamig na boses na bumabalot sa buong silid. It feels just like a whisper because of its comforting sensation that it brings me.

'Di makapaniwala
nandito na'ng hiling kay Bathala
Nandito ka na, 'di na ako mag-iisa
Tanong ko sa tala ay
"Bakit pag ibig na bigay ay langit?"
Nandito ka na, 'di na ako mag-iisa

Minulat ko ang mga mata ko at sinalubong ko ang mga tingin niyang halatang masaya siya at payapa sa ganito. Ngumiti siya sa akin at pinagpatuloy ang pagkanta.

Ngiti mo sa aking mga mata
'Di hahayaang mawala
Tingin mo lang, alam ko nang ikaw na nga

"You have a good singing voice," I said, paos paos pa dahil kagigising pa lang.

"Gustong gusto kong tinititigan ka pagka gising ko."

"Hmm? Why is that?" Gumilid ako para maharap ko siya.

"Kasi hindi ako makapaniwalang ako ang katabi mo."

I scrunched my nose and I placed my hand on his jawline, my thumb caressing his cheek.

"Talaga? Baka ex mo 'yang iniisip mo-"

"Selene," ngumisi siya. "Ikaw pa lang at ikaw lang."

Umirap ako at tinalikuran siya. "I still think you're bluffing me, Henrico."

Niyakap niya ang isang kamay sa akin at hinila ako padikit sa kanyang dibdib. Humalik siya ng dalawang beses sa balikat ko at ipinatong doon ang baba niya. Namula pa yata ako nang maramdaman ko ang kahabaan niya sa likod ko.

"Paano kita mapapaniwalang totoo ang sinasabi ko?"

Nagkibit balikat ako. Distracted pa rin ako sa tumutusok sa likod ko.

Hinarap niya ako sa kanya at hinalikan ang tungki ng ilong ko. Umagang umaga at kagigising lang niya, napaka bango pa rin ng hininga niya. Pinatakan ko ng isang mababaw na halik ang labi niya.

"Itanong mo pa kay Papa, hindi pa ako nagkaka girlfriend."

Pinaningkitan ko siya ng mga mata. "Girlfriend, posibleng wala. Pero hookups..."

"Hindi ako ganoon, Selene. Kung sino ang mahal ko, siya ang gagawin kong girlfriend ko, at sa kanya ko lang gagawin 'yon."

Ngumuso ako. "E, ginawa mo sa akin 'yon, hindi mo naman ako girlfriend at... mahal pa."

"Pero ikaw lang ang gusto kong mahalin at gawing girlfriend. Ganoon pa rin 'yon."

Niyakap ko siya at binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya. "Kahit hindi pwede?"

Bahagya siyang lumayo sa akin at inangat ang mukha ko. "May tiwala ka ba sa akin?"

Kumunot ang noo ko. Tiwala saan? Tumango na lang ako kahit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya.

Nang mag Biyernes na ay isa isa nang nagdatingan ang mga kapamilya ko. Mommy, Daddy, Kuya Helios and Kuya Apollo stayed in the house. Ang mga iba pa naming kapamilya, parehas na nasa Bustamante at Reoja, ay nanatili rito sa Coast Point Hotel.

Hailey, Sam, Cooper, and Finn rescheduled their flight back to New York on Sunday, dahil Sabado ang birthday slash graduation celebration ko gaganapin. Sa buong linggo na 'yon ay hindi na rin nagparamdam sa akin si Noah, mabuti naman. Nabalitaan ko na lang din na nasa Maynila siya noong mga araw na 'yon.

Pero tulad ng sinabi niya noon, pupunta ang pamilya niya sa celebration ko. Of course, they're a family friend. I saw them entering the hotel and I had to be polite and welcome them to the hotel.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now