Chapter 39

649 3 1
                                    

CHAPTER 39





Ang laging sinasabi sa akin, unahin ko raw ang sarili ko. Pero bakit ganoon? Bakit sa tuwing kailangang unahin ang sarili, kaakibat noon ay ang pagiging makasarili? Paano ba unahin ang sarili nang hindi nananakit ng iba? Bahagi ba ng pag una sa sarili ang pabayaan ang ibang tao?

That, I don't know.

I had reasons. I had to protect myself and my child from my mother's wrath. Kinailangan kong umalis para hindi na masundan ng bago pang problema sila Henrico at ang pamilya niya. Ginawa ko iyon dahil iyon ang kailangan. Iyon ang sa tingin kong magiging mabuti para sa akin at para sa kanya. Pero sa pag alis ko na iyon, parang mas naging magulo ang lahat.

Alam ko na sa panahong nawala ako, sobra ring nahirapan si Henrico. Sobra din siyang nagdusa. Ako pa nga ang nagsasabi na kaming dalawa ang involved dito, kaya kaming dalawa ang lalaban. Magkahawak kamay kaming lalaban para sa relasyon namin. But I left him. Hinayaan ko siyang lumaban nang mag isa at ako rin, lumaban nang mag isa para sa amin ni Erin.

Hindi lang ako ang nahirapan sa loob ng anim na taon. Seeing him so hurt because I left while he's suffering, hindi ako nagsabi sa kanya, sinarili ko ang problemang sabay dapat naming inaayos, makes me question every decision I made.

Akala ko sa pag alis ko, maaayos ang lahat. But I'm wrong. I failed not only him, but Erin and myself.

Kung kaya ko lang bumalik sa nakaraan, I would have made a different decision. Hindi ko sana siya hinayaang mag isa na bitbit ang problemang sa umpisa pa lang, ako na ang gumawa. If only we endured the problem together, hindi siguro ganitong kasakit at kagulo ang lahat.

Pero wala, e. I made the decision without even considering him. Naging makasarili ako at iniwan siyang nag iisa. Now, I have to suffer the consequences of it.

Days went by, hindi pumasok sa opisina si Henrico. Sinabihan ako ni Kylie na i-cancel lahat ng meetings and events ni Henry para sa linggong ito dahil hindi raw siya papasok.

Every day, naghihintay lang ako sa pagdating niya. Umaasa na kasama niya si Erin na papasok. But still, he didn't.

"Selene, Erin's in good hands," sabi ni Ate Adley nang dumalaw siya sa condo.

Ipinagluto rin niya ako ngayong wala si Noah dahil may meeting siya sa isang kliyente. Gusto pa nga niyang i-reschedule na lang iyon pero ako na rin ang pumilit sa kanyang sumipot. Wala na rin siyang nagawa sa pagpupumilit ko.

"I know that, Ate Adley." Bumuntong hininga ako at nilagok ang natitirang alak sa baso ko. "Nagsisisi lang ako sa mga naging desisyon ko noon, hanggang ngayon."

Inagaw ni Ate Adley sa akin ang baso pati ang alak sa lamesa dahil plano ko pang uminom. "And do you think, getting drunk and sulking will make your problems go away?" Nagtaas siya ng kilay.

"Siguro? Hindi ko alam. I just want this pain to end, Ate. Pakiramdam ko, unti unti akong nilulunod nitong nararamdaman ko at hindi ko na alam kung paano aahon."

"Just give him some time, Sel. Nahirapan 'yong tao, e. Hindi ka niya naramdaman noong mga panahong kailangang kailangan ka niya. Gulong gulo siya dahil bakit bigla kang nawala? Hindi ka man lang nagpasabi. Tapos noong nagbalik ka, nadagdagan pa ang kasalanan mo sa kanya. Hindi mo sinabing may anak pala kayo. Sa tingin mo, gaanong kasakit ang naramdaman niya? Nilayasan na nga ng taong mahal niya, naglihim pa sa kanya tungkol sa sarili niyang anak."

Tumango ako. Alam ko! Alam ko kung gaano akong ka-gago, kung gaano akong naging makasarili! As much as I want to blame myself, iyon din naman ang naging desisyon ko, e. Iyon ang tingin kong makabubuti noon. Otherwise, I wouldn't do it.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang