Chapter 40

805 7 5
                                    

CHAPTER 40





Sunday night, pinatawag ni Mommy sila Kuya Helios at Kuya Apollo with their wives, and also Daddy for a family dinner. Kasama na ako roon.

I've reconciled with Mommy, and everyone in the family is happy about that, pero may reservations pa ako. She has to earn my trust again, and I'm giving that chance to her.

"For years, hindi tayo nakumpleto. But now, I'm so happy to see my kids and their partners in life together with us," sabi ni Mommy na napapalakpak pa.

Tipid na ngiti ang binigay ko habang nakikipag cheers. Kuya Apollo kissed Ate Adley, then Kuya Helios kissed Ate Lia. Mommy and Daddy also kissed. Ako, uminom sa kopitang may lamang red wine.

Naiinggit ako sa mga kapatid ko. Oo, nilayasan sila dati. They suffered, too, before they finally got their happy endings. Pero ako? Parang hanggang dito na lang. I'm happy na may Erin ako, but her Dad? I don't think so.

He's happily married, and I must leave it like that. I can be happy, too, someday. Siguro, may dadating din na taong makakasama ko habambuhay, bukod pa kay Erin. Maybe if I just open my heart out in the world, I can find my man.

The rest of the night out, the family talked about business. Now that I'm reconciled with my mother, I am opening myself up to work in one of our companies. Maybe it's time to leave the hotel, leave Henrico with his wife, at tigilan na ang pag aligid sa kanya dahil mas nakakasama lang iyon sa akin.

Mas makakatulong din ang paglayo ko sa kanya para maka move on na ako at maghilom nang tuluy tuloy. If he wants to support Erin, I'll let him. Syempre, responsibilidad at obligasyon niya ang gawin iyon para sa anak niya. Kahit ano, para sa anak namin. Pero ngayon, mas magfo focus ako sa paghilom ko.

Kung hindi ko man makuha ang kapatawaran niya, then I should forgive myself for all the bad decisions I made. Pakiramdam ko, iyon lang ang pumipigil sa healing ko, e. Ang patawarin ko rin ang sarili ko.

Pagkauwi ko sa bahay nila Kuya Apollo, I charged my phone dahil na-deadbatt na siya kanina noong nasa labas ako kasama ang pamilya ko, then I took a warm shower. I teared up a little while taking a bath. Minsan, kasabay ko kasing maligo si Erin and she would always play with her hair that is soaked in shampoo and pretends like a shark.

Today marks the last day of the one week Henrico asked me. Knowing him, hindi naman siya nagpapako ng mga pangako. Bukas, alam kong ibabalik niya na sa akin si Erin. I'm excited but at the same time, kinakabahan din ako. Excited dahil makakasama ko na ulit ang anak ko, at kabado dahil magkikita ulit kami.

The last time I saw him, he was so angry with me because I hid his daughter from him. Hindi man niya ako mabulyawan, pero ramdam ko ang sakit at galit sa mga katagang binitawan niya pati na rin ang pagtingin niya sa akin. I must say, I deserve all of those.

Nasaktan ko iyong tao, e. For almost six years, gulong gulo siya kung bakit ako umalis. Kung bakit binitawan ko ang pangako ko sa kanya na mananatili lang ako sa tabi niya. Then little did he know, may isa pa pala akong malaking kasalanan sa kanya.

Pagkatapos maligo at magpatuyo ng buhok kagabi, agad din akong nakatulog dahil pasado hatinggabi na kaming natapos ni Ate Adley sa kwentuhan. Si Kuya Apollo na nga ang nagpatulog kay Yza dahil hinila pa ako ni Ate Adley sa may veranda ng bahay nila para magkape. Nag enjoy akong kausap si Ate Adley, tungkol naman kay Alice, hanggang sa hindi na rin namin namalayan ang oras.

I woke up at around ten in the morning. Una kong kinapa ang cellphone ko dahil hindi ko na ito nahawakan simula nang matapos kaming magkwentuhan ni Ate Adley. I received a message from Kylie,

Kylie:
Pumasok ka na bukas dahil papasok na rin si Henry.

After I read the message, I immediately took a shower. Pinatuyo ko lang ang buhok ko at nagbihis, bago kunin ang resignation letter na hinanda ko na rin kagabi pa. I confronted Ate Adley and Ate Lia about this last night when we were still out at ang sinabi lang nila sa akin, kung ano ang tingin kong makabubuti, susuportahan nila ako.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now