Chapter 15

599 3 0
                                    

CHAPTER 15





"Ito na," nakangiting sabi ni Henrico nang nilalapag niya na ang pagkain sa harapan ko.

Nakalagay sa tupperware ang ulam at kanin. Simpleng scrambled egg na may kamatis at tuyo, tapos fried rice. Siya na rin ang nagbukas noong mga tupperware at inabot sa akin ang kutsara at tinidor.

"Bakit nakatayo ka pa?" Sinilip ko siya nang kukuha na ako ng scrambled egg.

"Baka may makapansin, e. At saka baka biglang dumating 'yong fiancee mo."

Ngumiti ako. "Sige na, umupo ka r'yan." Tinuro ko pa ang upuang katapat ko. "Wala na si Noah, bumalik na silang Australia."

"Talaga?" Umupo na rin siya sa harapan ko.

"Nagawan ng paraan ni Kuya Apollo na paalisin siya rito sa Isla Julieta. Si Kuya Helios naman, inaasikaso na kung paano patitigilin ang arranged marriage na 'yon."

"H-Ha?" Halos manlaki ang mga mata ni Henrico, pero nahihimigan pa rin sa boses niyang naguguluhan siya sa sinabi ko.

"I don't want that marriage, Henry. Sabi ko sa'yo, gusto ko ikaw ang pakakasalan ko. Alam na rin ng mga kapatid ko ang tungkol sa atin at gusto kang ma-meet ni Kuya Apollo next week kapag pupunta siya rito dahil may aasikasuhin lang."

"G-Gusto akong makita ng... kuya mo?"

Tumawa ako, "oo nga! Boyfriend ko ang tawag niya sa'yo kaya... baka naman."

"Talaga, Mahal? Gagawin iyon ng mga kuya mo?" Unti unting sumilay ang ngiti sa labi niya.

I nodded. "Nagawa na nga ni Kuya Apollo ang isa, e. Nagpatulong siya kay Kuya Valerio para i-background check ang kumpanya nila Noah sa Australia. Nalaman nilang may corruption cases sila at kalahati raw ng investors ang nag pull out ng shares, kaya bumalik sila ng Dad niya sa Australia para asikasuhin iyon. Hindi ka pa nakikilala ng mga kapatid ko pero gagawin nila ang lahat para sa kasiyahan ko. Tayo, Henry, ang kasiyahan ko."

Kinuha niya ang isa kong kamay at hinalikan ang likod ng palad ko. Sobra sobra ang ngiti niya kaya alam ko rin na sobra sobra ang tuwa sa nalaman.

"So... Pwede na kitang maging boyfriend?" Tinaasan ko siya ng kilay.

Tumawa siya at tumango. "Ako dapat ang nagtatanong niyan, 'di ba?"

"Mabagal kang magtanong, e." Ngumuso ako.

Pinagpatuloy ko na ang pag kain habang siya ang naghihimay ng tuyo para sa akin. Masarap naman din pala! Ngayon lang din ako nakatikim nito dahil wala naman yata sa States nito.

After eating, I proceeded to the office at si Henry naman ay sa trabaho niya. May guests siyang kailangang sunduin sa airport kaya nagmadali na rin siya umalis.

The whole day, pagsunod lang kay Mrs. Galang ang ginawa ko. She made me attend meetings dahil kami ang client ng isa sa pinaka sikat na furniture owner dito sa Isla Julieta. She gave me the freedom to choose which design, dahil sabi raw ni Tita Amarie sa kanya, she trusts my decision. Iyon ang pinagka abalahan ko bago matapos ang trabaho ko ngayong araw.

Alas sinco nang mag message si Henrico sa akin na may tatapusin siyang school work. Wala naman akong gagawin sa penthouse, alam kong mabo-bored lang din ako at magsasawa sa kapapanood ng series, kaya naisipan kong puntahan na lang siya.

I think I remember the way to their house.

Nagpalit lang ako ng damit at ng sapatos dahil hindi naman pwedeng nakatakong akong naglalakad sa buhanginan papunta sa kanila. May iba pa raw na daan, pero hindi ko na alam iyon.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now