Epilogue

1.2K 13 15
                                    

EPILOGUE





[Henrico Jackson Alfaro]

"I was panicking, searching for just anyone in my contacts when I was in labor," she laughed, and I held her hand while the other was on the steering wheel. "Tapos si Kuya Apollo pala ang na contact ko kasi siya ang una sa listahan."

"Ah-huh... what happened next?" I brought her hand to my lips, and I kissed it.

"Sobrang sakit na ng contractions tapos ang taas pa ng floor ko noon. Mabuti na lang at may matandang babae sa elevator, sumama pa talaga siya papunta sa ospital."

"I'm sorry, I wasn't there." I whispered.

Ipinark ko ang sasakyan sa parking lot ng play school ni Erin. We still have a few more minutes before Erin's dismissal.

"Kasalanan ko naman iyon, Love."

Tinanggal ko ang seat belt ko at hinarap siya.

"Paano mo napili ang pangalan niya?"

"Mahaba haba na talaga ang listahan ko ng pangalan simula nang malaman ko ang sex ni baby. But when I saw her, kamukhang kamukha mo talaga, e."

I smirked. That was the reason why I thought Erin's mine the moment she entered my office. Pero nagbago iyon nang makita ko si Noah sa likod niya.

"Kaya ayun, isinunod ko sa pangalan mo. Kainis naman! Ako ang naghirap ng siyam na buwan! Ako ang sumuka, nagutom oras oras, nahirapan sa pagtulog, sumakit ang katawan at ang ulo, tapos paglabas ng bata, kamukha mo lang pala."

My laughter echoed the whole car. She frowned at me but then she smiled eventually and played with my fingers on her thigh.

"Tapos first word pa niya, 'Ady'. Mommy ako nang Mommy, puro siya 'Ady'."

"Alam ko, mahirap ang mga unang araw pagkatapos manganak. You had to take care of the baby, dapat 24/7 ang bantay mo sa kanya, tapos 'yong sarili mo pa. Kailangan mo ring alagaan ang sarili mo dahil ikaw pa lang ang source of nutrients niya."

Tumango siya. "Si Kuya Apollo, nandoon naman siya. Isang buwan ang tinagal niya roon sa New York kasama ko habang naghahanap ng makakatulong sa amin ni Erin. Si Ate Linda, she's just on vacation. Isang buwan na ang binigay ko sa kanya para makasama naman niya ang pamilya niya."

Hearing all of her stories from the day she knew she was pregnant up to the last day they were in New York, I can't help but to blame myself. Kaya ko na siyang puntahan two years after! Dalawang taon pagkatapos kong grumaduate, my lolo, Mom's father, died. He was a wealthy man. Tulad ni Mrs. Reoja, he didn't approve of Papa kaya nagtanan si Mama at si Papa, nagpakalayo layo at napadpad sa Isla Julieta.

In Lolo's last will and testament, lahat ng ari-arian ay mapupunta kay Mama, his only child, pero kapag namatay na si Mama bago pa pumanaw si Lolo, mapupunta sa nakatatandang anak ni Mama, which is me.

Ang Grand Peak Hotel ay pagmamay ari din ni Lolo na ipinamana sa akin. Even the house I'm currently living in, in Manila, was Lolo's.

Dahil sa mga naipamana ni Lolo sa akin, napag aral ko nang maayos si Axton na ngayon ay seaman na. Mula sa maliit na pwesto namin sa palengke, gumawa ako ng sariling grocery store at si Papa ang namamahala noon. Ang maliit na bangka na ginagamit namin ni Axton, unti unti ko nang ginawang barko, hanggang sa nagkaroon na rin ang kapatid ko ng sariling shipping lines at nakipag partnership siya kay Helios Reoja.

Iyon din ang sinakyan ko papuntang Batangas, ang minamaneho ni Axton at iba pa niyang kasamahan, kung saan naroon din ang mga Reoja at Bustamante.

Unang nakita ko si Erin ay noong kasama niya si Lianna Reoja at si Lio, ang anak nila. Kilala ko ang anak ni Apollo at ni Helios, at ngayon ko lang nakita ang isa pang batang babae na hawak hawak din ni Lia.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now