Chapter 18

547 6 1
                                    

CHAPTER 18





It's almost lunch noong dumating na si Tito Carding. Gulat na gulat siyang makita akong nagta trabaho kasama sila Henrico.

"Hija, bakit nandito ka? Hay naku, Henrico, Axton! Bakit naman pinatulong niyo pa si Selene dito?"

"Tito, I volunteered naman po. Ayos lang sa akin, wala rin naman po akong gagawin sa hotel, e."

"Ikaw talaga, Hija! Nananghalian na ba kayo, ha?"

"Paalis na rin po kami ni Selene, Pa. Ihahatid ko na rin siya sa hotel nang makapag pananghalian na siya roon. Ako naman po ay papasok na rin." Sabi ni Henrico habang sinasakbit sa balikat ang backpack.

"O siya, sige. Mag iingat kayo, ha?"

Nagmano ako kay Tito Carding at tinapik ko ang balikat ni Axton bilang pagpapaalam at saka sumunod na kay Henry.

"Tingnan mo, Mahal. Madumi na ang damit mo." Sabi ni Henrico matapos niyang pasadahan ako ng tingin.

Ngumuso ako nang makita kong may red stain nga roon, siguro dahil sa dugo ng mga isda, tapos may kaunting basa basa pa at putik.

"That's alright. It just means I worked hard, right?" Tumawa ako nang mahina na tinanguan niya.

Nang mapadaan kami sa isang karinderya, tinuro ko iyon sa kanya. "Dito ka ba kumakain?"

Tumango siya. "Ayos lang ba sa'yo na mag tricycle pabalik ng hotel?"

"Yeah, of course! Can we eat there for lunch? I'll pay."

Kumunot ang noo niya at umiling. "Sa hotel ka na lang kumain, Mahal. Baka saktan ka pa ng tiyan d'yan, e. Hindi ka sanay na sa karinderya lang kumakain."

"Love naman, hindi sasakit ang tiyan ko d'yan! You're so OA." Hinila ko na siya papunta doon sa karinderya at tiningnan ang mga ulam.

"Look, o! They have sinigang!" Turo ko at tiningnan 'yong nagbabantay doon. "Ate how much po for the sinigang?"

"Otsenta 'yan, 'Neng."

Tumango tango ako kahit hindi ko naman alam kung ano ang otsenta. Nilingon ko si Henrico. "What's yours?"

"Itong bopis, 'Nang. Dalawang Coke din po." Sabi niya at inabot ang two hundred pesos.

Kinuha iyon ni Ate at binigyan din siya ng sukli. Binilang pa muna iyon ni Henrico bago itago sa bulsa. Nilagay ni Ate sa tray ang mga pagkain namin at si Henrico ang nagdala noon. Ang buhay ko ay ang dalawang Coke na nasa babasaging bote ang hawak ko.

"Sabi ko, I'll pay, e." Sinimangutan ko siya nang makaupo na kami.

"Ako naman, Mahal. Simula noong maging tayo, ako na ang gagastos para sa atin... sa tuwing may dates tayo." Ngumiti siya at inabot sa akin ang kutsara at tinidor na pinunasan muna niya ng tissue. "Pag iipunan ko lahat."

"Love, you don't have to. Pwede namang salitan tayo sa pagbabayad o hati."

"Hayaan mo na ako. Ito na nga lang ang magagawa ko para sa'yo, e."

Masarap ang sinigang! Hindi ko alam na masarap din pala sa mga ganitong klaseng kainan! Budget-friendly pa!

I was also eyeing Henry's food. Napansin din niya ang pagtingin ko sa plato niya kaya sumandok siya at itinapat sa bibig ko. Sinubo ko iyon at hinintay niya ang magiging reaksyon ko.

Tumango tango lang ako. "Is it really spicy? Masarap."

"Oo, lungs at puso ng baboy ito-"

"What?!" Nanlalaki ang mga mata kong tiningnan ang plato niya. Agad ko ring ininuman ng softdrinks iyon.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now