Chapter 31

571 4 8
                                    

CHAPTER 31








Habang pinapatulog namin ni Noah si Erin, hindi pa rin mawala sa isip ko ang sinabi ng anak ko. Nagpapasalamat akong hindi pa lubusang maintindihan ni Erin ngayon ang sitwasyon pero alam kong dadating ang araw na maliliwanagan na rin siya sa lahat ng mga nangyayari.

"What's your plan?" Tanong ni Noah nang lumabas kami sa kwarto.

Ang ginawa namin kanina pagkatapos kumain ay ipinag shopping ni Noah si Erin ng laruan, mga damit, at bagong sapatos. Baka sakaling mawala sa isip ni Erin at hindi na magtanong pa nang tungkol doon. Hanggang sa pag uwi, ipinasakay na lang ni Noah si Erin sa sasakyan niya at pag uusapan daw nila ang bagong cartoon na kinahihiligan ni Erin, pang distract sa kanya, kaya ngayon ay nandito ulit siya sa condo kahit dapat ay kanina pa siya nasa sarili niyang condo.

"I honestly don't know..." mahinang sabi ko at may kumirot sa bandang dibdib ko habang nauupo kami ni Noah sa couch nang magkaharap.

Lagi kong pinapaalala at hinahanda si Erin sa idea na may asawa na ang Daddy niya. Na okay lang na kaming dalawa lang.

Pero hindi ko naisip na aabot sa puntong magtatanong siya tungkol sa pagiging anak niya sa labas. At pagbali-baliktarin man ang mundo, Erin's dad is married to someone else. Still, anak pa rin siya sa labas.

Mas lalala lang ang sitwasyon kapag dumating din sa puntong malaman ni Erin na nagpakasal kami ni Noah para magkaroon siya ng legal na tatay or an adoptive father, o kahit ang daanin man lang sa papel.

Alam kong iyon ang gusto ni Noah kaya nag volunteer siyang makikihati sa responsibilidad kay Erin, but to make it legal? I don't think so.

"I can be her adoptive father, Selene. Kung hahayaan mo lang ako. I'll be the one to process the papers and-"

"You know I won't agree to that. Hinahayaan na nga kita sa ganito, 'di ba? I don't want this to be a legal matter."

"Pero Selene, unti unti nang namumulat si Erin tungkol sa mga ganitong bagay. It may affect her mentally."

"Ipapaintindi ko sa kanya sa tamang panahon, Noah. Iyon lang ang dapat na gawin."

"Masasaktan si Erin."

"I know. Pero sigurado akong balang araw, maiintindihan niya rin. My daughter is smart and already mature for her age. Kaya ako nagpapakatatag sa harapan niya para magaya niya iyon. Para sa oras na mamulat siya sa mga ganitong bagay, mananatili siyang matatag."

Umiling si Noah at huminga nang malalim. "We don't know that."

"I'll make sure she will be." Tumango tango ako para kumbinsihin siya. "You have to go, Noah. Masyado nang gabi."

"I can stay here tonight," marahan niyang sabi. "Babantayan ko kayo ni Erin. I know, this is hard for you kaya dito muna ako."

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ng dalawa kong kamay at yumuko. Nag uumpisang bumuhos ang luha ko at tuluy tuloy iyon.

Nasasaktan ako para kay Erin. Nasasaktan ako dahil alam ko, darating ang araw, hindi ko maiiwasan ang mga bagay na ganito. Natatakot ako na baka sobrang maapektuhan si Erin at madala niya iyon habambuhay. Nasasaktan ako dahil alam ko, si Henrico ang una niyang heartbreak. Ang sarili niyang tatay.

Alam ko na mahihirapan din si Erin na intindihin ang naging sitwasyon namin ni Henrico noon, ang sitwasyon namin ni Mommy ngayon. Alam ko darating ang araw na matututo siyang magalit sa nanay ko kapag naintindihan niya ang ginawa niya noon, at baka magalit din siya kay Henrico dahil ilang taon lang ang lumipas, nag asawa na siya.

Pero hindi ko rin naman masisisi si Henrico kung bakit niya pinakasalan si Kylie. They liked each other before, kaya hindi rin imposible iyon. Maybe he realized that Kylie's better. Maybe he realized it's hard to stay in a relationship with me.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now