Chapter 26

534 8 3
                                    

CHAPTER 26





"Ano bang pinunta mo rito? Baka naistorbo ka na namin dahil sumama ka pa talaga sa amin sa arcade," tanong ko kay Noah na buhat buhat ang tulog na Erin na nakayakap sa kanya.

"Bibili lang sana ako sa hardware ng tubo. Nasira kasi 'yong sa may bidet sa condo ko."

Nagtaas ako ng kilay. "Wala ka namang dala."

Tumawa siya nang mahina at hinaplos ang buhok ni Erin. "Bukas na lang."

Umiling ako at bumuntong hininga. "Sana noong naglalaro kami sa arcade, bumili ka na."

"Masyadong nag enjoy ang anak mong kasama ako. Kita mo, ayaw nang magpabuhat sa'yo." Ngumisi siya.

"Sige na, akin na si Erin nang mabili mo na ang kailangan mong bilhin. Uuwi na rin naman kami."

Ngumiti siya. "Ihahatid ko na kayo sa sasakyan mo para hindi na rin maistorbo pa si Erin kapag iaabot ko sa'yo."

"Bahala ka."

Nang nakaabot na kami sa parking, binuksan ko na ang sasakyan at maingat naman niyang ipinasok si Erin sa loob at nang sumakay si Ate Linda, ipinahiga niya sa kanyang hita ang anak ko.

"Salamat, Noah, ha?" Ngumiti ako sa kanya.

"Tss... wala 'yon. Saan nga pala kayo rito sa Manila?"

"Sa condo ni Kuya Helios. Pansamantala lang iyon habang nag iipon din ako ng pampatayo sa sarili naming bahay ni Erin. Maghahanap na nga ako ng lupa, e. Ayaw ko kasing sa condo na naman at doon na siya lumaki sa States."

"Hmm..." tumango tango siya. "Alright, drive safe. Mag ingat kayo."

Binuksan ni Noah ang pintuan ng driver's seat at pumasok na ako roon. "Salamat ulit, Noah."

Kumindat lang siya sa akin at siya na rin ang nagsara ng pinto. Kumaway pa muna siya sa akin bago ako nagmaneho. I looked at the rearview mirror at nanatili siyang nakatayo roon habang nakapamulsa.

Nang malapit nang lumiko, doon lang din siya nagsimulang maglakad.

"Mommy..."

Pagkalabas ko ng banyo matapos maghilamos at magmumog nang magising ako kinaumagahan ay nakita kong nakaupo na si Erin sa kama, bahagya pang magulo ang buhok, at kinukusot pa ang mata.

"You're awake... wanna help Mommy cook breakfast?" nilapitan ko siya at hinalikan sa ulo.

Nilahad niya ang dalawa niyang kamay na parang nagpapabuhat at ginawa ko naman. Pagkalabas ng kwarto ay nakita ko si Noah na kausap si Ate Linda. Napalingon sila sa amin at parang nabuhayan ang anak ko lalo na noong sumigaw siya.

"Tito Noah!" marahan niya akong tinulak at pinadyak ang paa kaya binaba ko na siya.

Tumakbo siya papunta kay Noah at tumalon, sakto namang nasalo ni Noah at binuhat. "Good morning, little girl."

Naguguluhang tumingin ako kay Ate Linda na todo kung makangiti at binalikan si Noah na pinupugpog na ng halik ni Erin na tinatawanan lang niya.

"A-Anong... b-bakit ang... nandito ka?"

Tumawa si Noah at tinuro ang mga nasa hapagkainan. Pancakes, toasted bread, and cups of coffees at chocolate.

"I bought breakfast. Na-miss ko kaagad ang little girl namin, e," sabi ni Noah at binuhat nang maayos si Erin.

"Tito Noah!" sigaw ni Erin at yumakap pa nang mahigpit sa kanya.

"Halika na, maupo ka na rito. Ate Linda, ikaw din."

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now