Chapter 11

641 7 0
                                    

CHAPTER 11





I know. Bago pa ang lahat ng ito, alam ko naman 'yon. But coming from him, it still hurts. Alam ko, maiiwasan ko dapat ang sitwasyon na ganito, pero anong magagawa ko? I've fallen for him.

Hindi ako kasing tapang ni Kuya Apollo para kalabanin si Mommy sa ganito. Handang isakripisyo ni Kuya Apollo ang lahat para kay Ate Adley. Ako? Hindi ko yata kaya. Hindi ko pa kayang ipaglaban si Henrico kay Mommy.

Sa mga kaibigan ko, oo. Kaya ko silang kalabanin. Pero kung sa pamilya ko na? I don't think so. Isa pa, wala pa akong napapatunayan kina Mommy. I just graduated college. Ito at training pa lang ako sa pagiging hotel manager. Unlike Kuya Apollo when he met Ate Adley na isa na siyang ganap na Engineer at may maipagmamalaki na.

"Selene?" May kumatok sa pintuan at tinawag ang pangalan ko.

"Selene? It's Hailey and Sam." Kumatok ulit.

Napapikit ako at huminga nang malalim bago bumangon sa pagkakahiga sa kama at pinagbuksan sila ng pinto. Tipid ang ngiti nila sa akin nang pumasok sila sa penthouse ko at naupo sa kama.

"How are things between you and Henry?" Kinuha ni Sam ang unan ko at ipinatong sa hita niya.

I sat by the couch and crossed my legs. I shrugged my shoulders.

"Henry and I know our limitations. He knows that he can't be with me for a serious and long-lasting relationship. The only relationship that we can have is on the bed and him as my employee."

"And? How do you feel about that?" Hailey crossed her arms across her chest.

"I don't know. Dalawang linggo pa lang naman kaming nagkakasama ni Henry. It's too early to tell if I've fallen in love with him, right?"

"Ikaw lang naman ang makakapagsabi niyan, e." Si Sam, na tunog malungkot sa nangyayari ngayon sa amin ni Henry.

"Nakakainis naman kasi si Cooper!" Sinamaan ng tingin ni Hailey ang mga kamay niya. "He's just bitter! Kung anu-ano pang pinagsasasabi niya kay Henry tapos narinig pa siya! He's an asshole!"

"I didn't like how he said those words, but he's right." I sighed. "Totoo naman na hindi talaga kami pwede, e. Isn't that Mommy's rule? Hindi naman sa kanya nagsimula 'yon, e. Sa mga lola namin. Nagawa nga ni Mommy na alukan ng pera si Ate Adley para layuan si Kuya Apollo, paano pa kaya si Henry if she knew about us?"

"Sana lang talaga hindi magsumbong si Cooper kay Tita."

I nodded at Sam. Sa akin naman talaga nagsimula ito, e. Ako ang unang umakit kay Henry. He just gave in dahil sa kakulitan ko. I'm probably the first one who fell.

Ang pagsagip niya noong nahulog ako sa jetski, it was my fault. Kung nakinig lang ako kay Kuya Apollo na huwag nang magjetski kapag malakas at malalaki ang mga alon sa dagat, hindi sana nag udyok 'yon para maging ganito ako kay Henry. It all started with me. Pero siya ang tatanggap ng consequence ng pagiging pasaway ko.

"But what if he does?" Si Hailey, na mukhang bothered din.

"Kung malalaman ni Mommy ito, hindi ko rin alam anong gagawin ko. Maybe I'll beg her to spare Henry at ako na lang ang tatanggap sa galit ni Mommy. That's better, right? Kaysa si Mommy pa ang lumapit kay Henry."

"What if you tell Kuya Apollo? I'm sure, he'll help you. Alam din niya ang pinagdadaanan mo dahil naranasan niya na kay Ate Adley, 'di ba?"

Tumango ako. But I can't just tell it to Kuya Apollo. Hindi ko rin alam kung paano ko sasabihin.

The girls spent the rest of the afternoon here in the penthouse, nagkukuwentuhan lang kami.

Nang mag-alas sinco na ay magte-text na dapat ako kay Henrico, but he messaged me first.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu