Chapter 34

583 4 0
                                    

CHAPTER 34





Pagkabalik namin sa hotel pagkatapos kumain ng hapunan, nasa labas lang ako ng hotel room, abala sa laptop dahil nagpapaka busy ako sa trabaho. Ang mga kailangan kong gawin para bukas ang pinagtuunan ko ng pansin.

While Henrico, he's taking a bath.

Okay lang pala talaga sa kanya na umalis ako. Masaya pa nga siya sa ginawa ko. Bakit? Para ma-realize niyang si Kylie pala talaga?

Hindi naman na ako umaasa na babalikan niya kami ni Erin. Simula nang malaman ko na kasal siya, unti unti ko na rin iyong tinanggap. Pero masakit pa rin lalo na kung sa kanya nanggaling. Na huli na ang yakap na iyon, na masaya siyang umalis ako.

Huminga ako nang malalim dahil sa pangingilid ng luha ko. Hanggang sa unti unti na 'yong tumutulo sa keyboard at napatakip na lang ako ng bibig para walang kumawalang hikbi sa akin.

Naaawa ako kay Erin. Naaawa ako dahil kahit kailan, hindi kami mabubuo ng totoo niyang tatay. I should have known better before. If you do a lot of sex, you'll end up pregnant, especially when you're not on contraceptives.

Inuna kasi 'yong libog kaysa utak.

But I'm happy that I have Erin. Hindi ko pinagsisisihan iyon. Naalala ko pa ang hiling ko noong birthday ko, na sana manatili sa akin si Henrico habambuhay.

Siguro, lahat naman ng hinihiling natin natutupad. Hindi lang sa paraan na gusto natin. Wala man si Henrico sa akin para manatili habambuhay, mayroon naman akong Henrietta na alam kong kahit kailan, walang makakakuha sa akin. Habambuhay na mayroon ako Erin na mahal na mahal ko at mahal na mahal din ako.

My phone rang on the small table beside my chair. Nakita ko ang pangalan ni Noah at alam ko, makakausap ko na ulit ang anak ko. Si Erin na kayang pawiin ang lungkot sa puso ko.

"Hello?"

"Mommy!"

Napapikit ako nang tumulo muli ang mga luha ko. Kumikirot ang dibdib ko sa pinaghalong sakit at saya nang marinig ko ang boses niya.

"Hi, baby..."

"Mommy, I got five stars in school!" Masayang balita niya sa akin.

"That's great, anak! What else did you do?"

"I met new friends also! I met Jona and Jonjon! They are twins!" Humagikgik ang anak ko.

"And then? Tell Mommy more..." Ibinaba ko ang laptop sa lamesita at umupo nang maayos.

"I gave some of my baon to Jona and Jonjon and then they also gave me theirs! That's called sharing, right?"

"Ah-huh..."

"And then Mommy, we have an assignment for next week, Monday!"

Tumikhim ako dahil sa parang may nagbabara sa lalamunan ko. "It's only Tuesday, you have a few more days to do your assignment. What's your assignment about? Tomorrow when I get home, I'll help you."

"Umm... wait, Mommy. I'll just get my assignment notebook... Dada, where is my bag?"

"It's in your room, Erin." Sagot naman ni Noah.

Narinig ko ang pagtakbo ni Erin at ang pagbukas ng pinto. Pagkatapos ay ang zipper naman ng bag at ang paglipat ng pahina.

"Here, Mommy... Make a family tree and those who present it on Monday will have plus points. Is this where I get to put Tito Helios, Tito Apollo, all my Titos and Titas... you and my Daddy?"

Nakuyom ko ang kamao ko nang banggitin niya ang Daddy.

"Do I get to put the name of Daddy's wife, too?"

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Där berättelser lever. Upptäck nu