Chapter 7

694 7 0
                                    

CHAPTER 7


Kinagabihan, I got my period. I was relieved but I'm confused. Bakit naging gano'n si Henrico sa akin? Ang huling reply niya sa text ko sa kanya ay, "Nagta-trabaho ako."

What was that? Why is he cold? At bakit naging kaagaw niya si Axton? He's, I think, a year younger than me at hindi ako pumapatol sa mas bata sa akin! Si Noah? He's jealous of Noah?

Ni hindi ko nga siya napansin noon, ngayon, sasagutin ko siya? No!

Ako:
Are you mad?

Henrico:
Hindi.

At hindi na rin nasundan ang pag-uusap na 'yon. A week has passed and I only see him sa tuwing magkakasalubong kami. Ngingiti lang siya at tatango pero alam kong hindi naman totoo 'yon. Kasi kung totoo, bakit hindi niya ako pinapansin?

Hindi rin siya sumasama sa tuwing kakain kami nila Alice at Kylie. Kapag tatambay ulit sa Beach and Sands, wala siya. Ang dinadahilan niya, may kailangang gawing school work. Which I know is valid, pero hindi na talaga siya sumasama sa amin kahit isang beses.

"You look bothered, Selene. Are you okay?" Tanong ni Noah nang makaupo na kami para makakain.

Siya ang nagluto ng lunch para sa amin at kung hindi pa siya umakyat sa opisina para pilitin ako ay hindi pa ako makakakain. Nahiya lang ako dahil nag-effort pa siyang puntahan ako, tapos hindi rin naman ako sasama.

"Wala naman, siguro katatapos lang ng period ko kaya ganito," I gave him a fake laugh.

Tumang-tango siya. "Do you want to go island hopping later? Wala naman masyadong turista noong napadaan ako kanina sa water activities. Isama natin sila Alice at Kylie, gusto mo?"

"I think they still have work."

"E 'di, hihiramin ko muna sila kay Mrs. Galang. Tapos ka naman na sa training mo ngayong araw, 'di ba?"

Tumango ako. Wala naman daw kasing masyadong gagawin sabi ni Mrs. Galang kaya half day na lang muna kami.

"Pwede, basta kasama sila."

Ayaw ko na ring mapag-isa kasama si Noah. Itong lunch na 'to, pilit pa. I don't want to give him motives and besides, kung makikita kami ni Henrico, baka mas lalo lang niya akong 'di pansinin.

Maybe, what happened between us in my penthouse was just a one time thing only. He was in heat and so am I. But I'm always horny for him. Baka hindi siya gano'n sa akin. Maybe, he's doing someone else? Mas lalo lang akong nainis nang maisip ko 'yon.

But it's possible! Magaling siya. He can make girls scream in bed. Isang tingin pa nga lang, nakaka-wet na. What more kung hawakan sila?

Habang kumakain, nagku-kwento lang si Noah tungkol sa mga ginawa niya sa Manila. Tumatango-tango ako para magmukhang interesado sa mga sinasabi niya kahit nasa isip ko ngayon ay si Henrico at ang hindi niya pagpansin sa akin.

Nang matapos na kaming kumain ay pinabalik niya na ako sa penthouse para maghanda sa island hopping namin. Magpapaalam muna siya kay Mrs. Galang bago bumalik sa bahay para magbihis na rin. From Manila, dumiretso rin kasi siya rito sa hotel kaagad.

I wore a white stringed bikini. Naalala ko na naman ang bikini top ko na nawala sa gitna ng dagat. Kumusta na kaya 'yon? Saan na napadpad 'yon?

Nagshorts lang ako na itim at nagpatong ng puting long sleeves, 'di na nag-abalang ibutones ang harap. Habang hinahanda ko ang tote bag na gagamitin ko, tumunog ang cellphone ko.

Alice's name is registered on the phone.

"Hi, Alice." Inipit ko ang cellphone sa aking tainga at balikat bago ituloy ang pag-aayos ng bag.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now