Chapter 2

812 12 0
                                    

CHAPTER 2


Today's my first day in training. Nagsuot lang ako ng white button-down tucked in my black slacks, and partnered my outfit with my nude pumps. Hinayaan ko na lang ang buhok kong nakababa, at inayos na rin ang mga gamit ko.

Alas nuebe pa naman daw ako kailangan ni Mrs. Galang sa opisina kaya pagkababa ko ay pumunta na muna ako sa Coast Point Restaurant para mag-almusal.

I ordered bacon, scrambled eggs with fried rice, and a cup of espresso. Then while waiting, I scanned my schedule for the week. Pinadala ito ni Mrs. Galang last night via email.

"Here's your espresso, Ma'am."

Umangat ako ng tingin sa nagserve sa akin. Kinunot ko ang noo ko dahil parang pamilyar siya sa akin. Wala rin siya kahapon noong ipakilala ni Mrs. Galang sa akin ang mga empleyado.

Nakangiti siya habang nilalapag niya ang tasa sa harapan ko.

"Do I know you?" I asked.

He chuckled at napahawak pa sa dibdib niya. "Gano'n ba akong ka hindi importante para makalimutan?"

Ipinilig ko ang ulo ko, sinusubukang alalahanin. Sa sinabi niyang 'yon, parang nagkakilala na nga talaga kami. Hindi ko lang alam kailan, saan, at paano.

Ngumisi siya. "Noah Mallari po, Magandang Reoja."

Noah Mallari?

"Oh! Hi!" Tumayo ako para yumakap sa kanya at umupo rin kaagad. "Oh my gosh! It's you pala."

Nagtaas siya ng kilay, nakangisi pa rin. "Naaalala mo na?"

"Yeah," I laughed. "Your father is a friend of Daddy, 'di ba?"

"Yep," tumango siya ng isang beses.

"Anong ginagawa mo rito? And... why are you serving me?" Kumunot ulit ang noo ko, nagtataka.

"I'm the restaurant manager, Magandang Reoja. Isang taon na."

"Really? Wow, that's great! But I thought tutulungan mo 'yong Dad mo na patakbuhin ang company niyo sa Australia?"

Nagkibit-balikat siya at naupo sa harapan ko. "Well, I can always change my mind, right? Ikaw, why are you here? Are you on vacation? First time mo sa Pilipinas, tama ba?"

"Yeah, it's my first time in the Philippines but I guess I'll be staying here for good naman na. I'm a trainee for hotel manager. I'm a fresh graduate."

"Ayos pala 'yon. So, you graduated in New York?"

I nodded. "New York University. Siguro nandito sa Pilipinas ang girlfriend mo kaya 'di ka tumuloy sa Australia?"

"Maybe. Actually, I left Australia because of my ex."

Napataas ako ng kilay. "Talaga ba? Why?"

"Fell out of love." Nagkibit-balikat siya. "Naging... rebound lang siya, actually."

"Pero... Maybe? Akala ko nasa Australia ang ex mo?"

"Well... You're here."

"Huh?"

He laughed. "Manhid ka talaga, 'no?"

"Manhid? Why?"

"Dati pa ako nanliligaw sa'yo, pero iba ang sinagot mo."

May tumikhim at naglapag ng pagkain sa lamesa ko.

"Thank...you..."

Bakit nandito si Henrico? I thought he's a bellboy?

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now