Chapter 27

557 5 7
                                    

CHAPTER 27





Tumayo si Henrico para tawagin ang HR manager at may iba pa siyang sinabi roon na hindi ko na maintindihan dahil mas maingay ang isip ko.

Bakit ko tinanggap ang pagiging personal assistant? Operations manager ang in-apply-an ko! Akala ko ba naman ire-redirect niya ako sa kahit na anong posisyon sa human resources department, pero personal assistant?

Tumikhim si Henrico at naupo na ulit sa silyang katapat ko at inabot sa akin ang papeles. "This is your contract."

Binasa ko ang laman ng mga iyon. Totoo ngang personal assistant ang trabahong ibinigay niya sa akin!

"Employee may also add other duties within the reasonable scope of the employee's work..." basa ko.

"As my personal assistant, I need you beyond reach... that includes after office hours."

Nanlalaki ang mga matang tiningnan ko si Henrico pero tinaasan lang niya ng kilay ang reaksyon ko.

What about Kylie? Hindi iyon matutuwa na malamang ganito ang tungkulin ko sa kumpanya ng asawa niya!

Binalikan ko ang binabasa ko.

"Regarding your leaves or absences, pwedeng ikaw na mismo ang magpaalam sa akin."

Inangat ko ang tingin ulit sa kanya. Bumalik na naman ang magkasalubong niyang kilay.

"Maraming responsibilidad sa pamilya ang isang Reoja. Marami kayong event na pinupuntahan o kung ano pang gathering. Just tell me beforehand and I'll approve it immediately."

"Hindi naman ako sumasama sa mga event at gathering na 'yan." Kaya kung magkakaroon man ako ng leaves or absences, ang magiging dahilan lang noon ay si Erin.

Nagtaas siya ng kilay. Umawang ang bibig niya at parang may gustong itanong pero itinikom din niya iyon kaagad.

"Since I left for New York, I never attended events and gatherings with the Reoja elders. Ang una't huli ay noong wedding anniversary nila Kuya Helios at ni Ate Lia. Kuya requested me to come dahil hindi na rin ako nakadalo noong kinasal sila. Kung may gatherings man na pupunta ako, 'yong kami kami lang na magpipinsan, which happens only once in a blue moon. Busy rin ang mga pinsan at mga kapatid ko."

"The last time I checked, your cousins went to Batangas almost two weeks ago. You weren't there."

Noong nalunod ang anak natin na ikaw ang sumagip.

I just pursed my lips. Less talk, less mistakes. Baka tanungin pa ako tungkol kay Erin na nalunod at alam niya nang Reoja o Bustamante iyon dahil itinakbo ni Kuya Helios sa ospital at sobra sobra ang pag aalala ni Ate Lia dahil umiiyak pa siya noon.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa ng kontrata at nang okay naman sa akin ang terms and conditions, "uh, pipirmahan ko na."

"Oh..." umayos siya ng upo at kumuha ng ballpen sa loob ng coat niya at inabot sa akin.

Nakakunot ang noo ko nang makitang pamilyar ang ballpen na ito. Inikot ko iyon para hanapin ang naka engrave.

Reoja.

"Ibinigay 'yan ng Kuya Helios mo pagkatapos ng kaso ko."

Napalunok ako at tumango. Bumalik na naman sa akin ang trahedyang nangyari sa kanila nang dahil sa pakikipag relasyon sa akin.

Huminga ako nang malalim bago pirmahan iyon at inabot sa kanya ang mga papel at ballpen dahil kailangan din niyang pumirma roon. I watched him smoothly write his signature. Komplikado ang pirma niya pero napaka ayos.

Roaring of the Waves (Isla Julieta Series #3)Where stories live. Discover now